Simple pero tagos sa puso na paraan ng pagmamahal ni Paul Soriano kay Toni Gonzaga

Simple pero tagos sa puso na paraan ng pagmamahal ni Paul Soriano kay Toni Gonzaga

- Sa celebrasyon ng kanilang tatlong taon na wedding anniversary ay pinakita na naman ni Paul Soriano ang subtle ways o tahimik na paraan pero maingay sa puso, cute at sweet ng kanyang pagmamahal kay Toni Gonzaga.

- Nagpadala ito ng litrato niya sa Vancouver sa Canada kung saan nagshoshooting siya sa pelikula na pinagtatambalan nina Bea Alonzo at Aga Muhlach.

- Pero ang nakakainggit at sweet nito ay nagpalitrato si Direk Paul sa harapan ng isang napakagandang background at nagsign ito ng 3 gamit ang kanyang mga daliri at may malaking smile pa ito.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Talagang havey sa pagka-long hair si Toni Gonzaga dahil sa mga kaka-cute at kaka-sweet na paraan ni Paul Soriano na ipakita at ipapaalam nito ang kanyang pagmamahal sa asawa nya.

Shinare naman ito ng 'Ultimate Multimedia Star' sa kanyang IG ang simple pero wagas na wedding anniversary greeting ng asawang direktor sa video story nya.

At madali naman itong naispatan ng kanyang fan at shinare din sa kanilang Instagram account at nakita nga namin dito sa KAMI ang naturang litrato at wala kaming ibang masabi kung hindi 'may forever ang true love.'

Marami ng beses na pinakita at sinigaw ni Paul sa tahimik na paraan ang kanyang pagmamahal sa asawa at ina ng kanyang anak na si Seve.

Dahil nga dito, pati mga sikat na social media personalities ay nagshishare din ng kanilang kilig moments sa araw ng wedding anniversary nila.

Yung mga higpit na yakap at simpleng ngiti ay ilan lang sa mga simple pero sweet at tagos sa puso na paraan ni Paul para ipaalam kay Toni na siya na nga at wala ng iba.

Mga nakakainggit na simpleng mga halik at paghawak kay Toni ay isa rin sa marami pang mga simple at tagos sa puso na pamamaraan ni Paul para ipagsigawan sa mundo na mahal niya ito.

At dito din naman kami kinilig, yung tingin na alam mo sa puso mong siya na talaga ang para sa yo.

Si Toni Gonzaga at Paul Soriano ay kinasal noong June 12, 2015 pagkatapos ibahagi ang engagement nila sa 'The Buzz' noong February 1, 2015.

Pagkatapos ng mahigit isang taon ay masayang pinagdiwang nila ang pagdating ng kanilang unang baby na si Severiano Elliott, na ngayon rin ay may sariling fans.

Dahil buwan ng kalayaan ngayon ng Pilipinas, ilang kulay ba ang mayroon sa bandila ng Pilipinas?

Alamin ang mga sagot ng ating mga kababayan sa tanong na ito sa baba

For more HumanMeter videos on YouTube, click here

Source: Kami.com.ph

Related news
Lotlot de Leon, di napigilang maiyak habang sinasabi ang kanyang wedding vow sa asawa

Lotlot de Leon, di napigilang maiyak habang sinasabi ang kanyang wedding vow sa asawa

Lotlot de Leon, di napigilang maiyak habang sinasabi ang kanyang wedding vow sa asawa
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel