Nakakaaliw! Father and daughter bonding moments ni idol Robin Padilla at Isabella

Nakakaaliw! Father and daughter bonding moments ni idol Robin Padilla at Isabella

- Naispatan namin ang kwento ng father and daughter tandem nina idol Robin Padilla at baby Isabella sa 'ABS-CBN' website.

- Kilala si Binoy ngayon bilang si Leo Tabayoyong sa Kapamilya show na 'Sana Dalawa Ang Puso' at mabibighani ka sa kisig, maginoo at machong gwapito na personalidad na karakter nya.

- Kaya naman sumikat si Robin bilang isa sa pinakamalaki at pinakasikat na action star sa mundo ng showbiz dahil sa kakaibang karakter nito pero sa kabila nito ay isang napakamapagmahal na ama niya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kahit gaano man siya ka kisig at matapang tingnan ay hindi naman tinatago ni Robin Padilla ang kanyang mga kahina-an lalo na pagdating sa pamilya.

Nakikita natin sa kanyang social media account sa Instagram na nagshishare na din si Binoy ng mga pictures at video clips niya at ni Maria Isabella, ang anak niya sa asawang Mariel Rodriguez sa kanilang father and daughter bonding moments together.

Nakita nga ng KAMI ang ilan sa kanila sa kanyang IG at sa kay Mariel Padilla at masasabi mo talagang napaka-hand-son, mapagkalinga, at mapagmahal na daddy si Binoy.

Sa ilang mga snaps ay makikita na nagbabantay at nakikipaglaro siya sa kanyang baby Isabella.

Aliw na aliw din naman ang mga tagahanga ni idol Binoy sa kanilang father and daughter tandem.

Dito sa picture sa taas, sinasabi ni Robin Padilla sa kanyang caption na mas dapat daw unahin ang mas importante at iyon na nga ay ang pagiging ama niya sa kanyang baby Maria Isabella.

Ito naman sa taas ang ilan sa mga snap na shinare ni Mariel Padilla na nagbabantay at naglalaro sila ni Isabella.

Sa taas naman na mga litrato ay noong nagstaycation sila sa hotel dahil sa pagpapausok o pagpapalinis ng kanilang bahay.

Talaga namang nakakaaliw tingnan ang father and daughter tandem nina Robin Padilla at Maria Isabella.

Bago pa kay Isabella, may apat na anak si Robin sa kanyang ex-wife na si Liezl Sicangco at ito ay sina Ali, Queenie, Kylie, at Zhen Zhen.

May anak din ang aktor sa former model na si Leah Orosa na ang pangalan ay Camille Orosa

Robinhood Ferdinand Cariño Padilla o Robin Padilla ay kilala bilang “Bad boy of Philippine cinema”. Isa rin siyang screenwriter, producer, director and nationalist. Tinatawag din siyang“The prince of the Philippine Action Movies”. Agosto 10, 2010 nang ikasal siya kay mariel Rodriguez sa Taj Mahal sa India. Nagkakilala sila nang minsang naging guest host si Roben sa Wowowee kung saan regular na co-host naman si Mariel ni Willie Revillame. Mayroon na silang isang anak, si Isabella na ipinanganak noong Nobyembre 14, 2016.

POPULAR: Read more news about Robin Padilla here

Dahil buwan ng kalayaan ngayon ng Pilipinas, ilang kulay ba ang mayroon sa bandila ng Pilipinas?

Alamin ang mga sagot ng ating mga kababayan sa tanong na ito sa baba

For more HumanMeter videos on YouTube, click here

Source: Kami.com.ph

Related news
Mader Sitang at Vice Ganda, posibleng magkasama sa isang pelikula

Mader Sitang at Vice Ganda, posibleng magkasama sa isang pelikula

Mader Sitang at Vice Ganda, posibleng magkasama sa isang pelikula
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel