Naglevel-up na ang 'Maharlika Pilipinas Basketball League o MPBL' ni Manny Pacquiao

Naglevel-up na ang 'Maharlika Pilipinas Basketball League o MPBL' ni Manny Pacquiao

- Mula sa humble beginnings niya sa GenSan, ngayon ang 'Maharlika Pilipinas Basketball League o MPBL' ni Manny Pacquiao ay isa na ngayong liga sa buong bansa.

- Talagang mapapabilib ka na naman kay Senator Manny Pacquaio dahil isang malaking achievement na naman ang kanyang nakuha dahil sa tiyaga at sikap.

- Ngayon na 2nd season na ng nasabing liga na itinatag ni Pacman ay kitang-kita na talaga ang patuloy na matatag na pagtaas ng popularidad nito.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagsimula na nga noong Martes, June 12, 2018 ang 'Maharlika Pilipinas Basketball League o MPBL' ni Manny Pacquiao at hindi makakaila ang patuloy na pagmamayagpag nito sa popularidad.

Ayon sa balita na nakuha namin sa 'ABS-CBN Sports,' kasunod ng isang matagumpay na 'inaugural season' ng MPBL na may sampung koponan, ngayong 2nd season ng nasabing liga ay lumawak na ito.

Ngayon, napag-alaman ng KAMI na mayroon ng 26 o dalawampu't anim na koponan ang nagtitipon at naglalaro para makuha ang titulo ng ' MPBL National Champion' at siyempre ang ten million pesos na 'Datu Cup Trophy.'

Ayon pa kay Senator Manny Pacquiao:

"Nagsimula lahat sa isang pangarap, na mabigyan ng pagkakataon ang mas maraming Pilipino na makapaglaro ng basketball sa professional level..."

At habang patuloy na lumalaki ang semi-professional na liga, nakakamanghang isipin na nagsimula lang ito sa 'pa-liga' sa General Santos City, ang pinagmulan ng Senador at syang nagtataga nito.

Pagbahagi pa ng 8-division boxing world champion-turned Philippine Senator at masugid na mahilig sa basketball sa opening day ng '2018-2019 MPBL Anta Datu Cup' noong Martes sa Araneta Coliseum:

“Itong MPBL kasi, the original name is Manny Pacquiao Basketball League, and we piloted it sa GenSan."

Sa pagpapatuloy ni Pacquiao:

“Nag-pilot kami ng ten seasons, parang pa-liga ko lang doon tapos open siya and maraming sumali. Nagkaroon kami ng 18 teams, hanggang ten seasons yun, ang premyo namin ay 1 million.”

Pero nang makita niya na ang liga ay may malaking potensyal, nagdecide ang Senador na dalhin ito sa isa pang antas.

Sambit nya:

“Maganda naman yung resulta, tapos pinag-aralan ko ng mabuti kung ano yung mga dapat gawin, yung titignan natin, and then nung na-complete ko yung ten seasons, in-apply ko sa national.”

Dagdag pa ni Manny:

“[Pwede na ‘to] sa national, i-apply ko, ila-live ko sa TV.”

Makikita ang nasabing liga sa 'ABS-CBN S+A channel 23,' pagtatapos ng balita

Si Manny Pacquiao ay isang boxer na naging isang politiko. Ang tunay niyang pangalan ay Emmanuel Dapidran Pacquiao at siya'y anak ng popular na si Mommy Dionisia Pacquiao. Mahirap ang naging buhay ni Pacquiao noong siya'y bata pa lang. Binuhusan niya ng atensyon ang boxing kung kaya't naging magaling siya dito at ngayo'y isa sa mga pinakarespetadong boksingero sa mundo. Kasal siya kay Jinkee Pacquiao at may limang anak sila sa kasalukuyan. Isa rin si Pacquiao sa mga senador ng Pilipinas sa ngayon.

POPULAR: Read more news about Manny Pacquiao here

Dahil buwan ng kalayaan ngayon ng Pilipinas, ilang kulay ba ang mayroon sa bandila ng Pilipinas?

Alamin ang mga sagot ng ating mga kababayan sa tanong na ito sa baba

For more HumanMeter videos on YouTube, click here

Source: Kami.com.ph

Related news
Sila ang nagwagi! TNT Boys, 100% ang nakuhang suporta mula sa madlang people

Sila ang nagwagi! TNT Boys, 100% ang nakuhang suporta mula sa madlang people

Sila ang nagwagi! TNT Boys, 100% ang nakuhang suporta mula sa madlang people
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel