Coco Martin at Bossing Vic Sotto magsasama sa MMFF, Vice Ganda dapat nang maghanda ng bonggang pelikula

Coco Martin at Bossing Vic Sotto magsasama sa MMFF, Vice Ganda dapat nang maghanda ng bonggang pelikula

- Coco Martin at Vic Sotto magsasama sa iisang pelikula para sa MMFF 2018

- Napabalita noon na magsasama ang dalawa upang tapatan ang pelikulang gagawin ni Vice Ganda

- Pero sabi ni Coco, hindi raw dapat bigyan ng kahulugan ang muling pagtapat ng mga pelikula nila ni Vice

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kumpirmado na ang pagsasama nina Coco Martin at Vic Sotto sa iisang pelikula para sa MMFF 2018.

Noon ay haka-haka pa lamang ito, pero ngayon, talagang magkakapit-bisig silang dalawa para makagawa ng isang magandang pelikula.

Napabalita noon na magsasanib puwersa sina Coco at Vic para banggain ang pelikula ni Vice.

Coco Martin at Bossing Vic Sotto magsasama sa MMFF, Vice Ganda dapat nang maghanda ng bonggang pelikula

Coco Martin at Bossing Vic Sotto magsasama sa MMFF, Vice Ganda dapat nang maghanda ng bonggang pelikula (Photo: emongsjournals)

Ilang taon na rin kasi na nanghahakot ng awards ang mga pelikula ng komedyante at parating top-grossing ito sa mga pelikula.

Pero sa kabila ng mga ganitong issue, sabi ni Coco ay huwag na raw bigyan ng kahulugan ang mga bagay na ito.

Coco Martin at Bossing Vic Sotto magsasama sa MMFF, Vice Ganda dapat nang maghanda ng bonggang pelikula

Coco Martin at Bossing Vic Sotto magsasama sa MMFF, Vice Ganda dapat nang maghanda ng bonggang pelikula (Photo: thesoshalnetwork)

"Actually, di namin iniintindi yun. Ang layunin namin kasi mapaligaya namin ang mga manonood.

At saka siyempre, ako naman, sabi ko nga, di kami naglalaban-laban, nagtutulungan kami para bigyan ng buhay at maging mas masigla ang Metro Manila Film Fest kapag Pasko,” sabi ni Coco sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa katatapos lamang na 66th FAMAS Award noong Linggo, June 10.

“Actually, nakapag-usap na kami,” sabi ni Coco tungkol sa pagsasama nila ni Vic.

“Excited? Sobra, kasi matagal ko nang pangarap na magkatrabaho kami ni Bossing.

“Pinalad naman na pinagbigyan niya ako, sana magdire-diretso.

“Ay naku, siyempre, Tito, Vic and Joey, lahat naman tayo talaga idolo sila lalong-lalo na pagdating sa komedya.

“Isang malaking karangalan na makatrabaho ko siyenpre si Bossing.”

Cool set of exercises that you can do at work to keep fit from our coach Chrystalle - on Kami YouTube channel This video helps you to keep fit even if you're at the desk all day. These are exercises that are simply very easy to follow and do.

Source: Kami.com.ph

Related news
Dobleng tagumpay! Kambal, sabay na nagtapos ng kolehiyo at pareho pa silang 'Summa Cumlaude'

Dobleng tagumpay! Kambal, sabay na nagtapos ng kolehiyo at pareho pa silang 'Summa Cumlaude'

Dobleng tagumpay! Kambal, sabay na nagtapos ng kolehiyo at pareho pa silang 'Summa Cumlaude'
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel