Nagulantang ang mga basketball fans sa 10-million peso worth ng MPBL trophy

Nagulantang ang mga basketball fans sa 10-million peso worth ng MPBL trophy

- Nawindang ang taong bayan ng malaman ang halaga ng Datu Cup trophy para sa 'MPBL o Maharlika Pilipinas Basketball League' na tinatag ni Senator Manny Pacquaio.

- Ito daw ang bago at pinabuting 'MPBL National Championship' trophy na talaga namang makakaingganyo sa mga manlalaro.

- Isa itong 18-Karat gold na tropeo na ayon kay MPBL Commissioner Kenneth Duremdes ay pareha lang daw pero yun nga lang ay mas magarbo pa sa dati.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naispatan namin ang balitang sports na ito sa Facebook page ng 'ABS-CBN Sports' na talaga namang nagtrending ngayon dahil sa nakakagulantang na presyo ng nasabing trophy.

Hindi naman daw ito nakakalayo sa hitsura ng unang tropeo na nakuha ng 'Batangas Athletics' nang nanalo sila sa 'inaugural MPBL Anta Rajah Cup,' ngunit ngayon daw, dahil sa maraming mga koponan ang naghahanap para magtaas ang tropeo, siyempre umano, kailangan din daw iangat ng 'MPBL' ang pusta konti.

Ayon sa nakuha ng balita ng KAMI, sinabi umano ni 'MPBL Commissioner Kenneth Duremdes' na pareho lang daw ang tropeo sa last conference pero ngayon daw ang full season nila ay naging 18-karat gold na nga ito.

"It weighs around five kilos, and it was designed and suggested by the good Senator natin."

Mas lalong nagulat at nawindang ang lahat ng nalaman ang presyo ng nasabing tropeo:

Dagdag ni Duremdes:

"Napaka-bigat niya, and it’s worth P 10 million."

So, sa katapusan ng 2018-2019 'MPBL Tournament,' ang 'National Champions' daw ay magtataas ng limang kilogramo na 18-Karat gold na tropeo na nagkakahalagang sampung milyong piso.

Iba talaga si Senator Manny Pacquiao, napakagalante

Si Manny Pacquiao ay isang boxer na naging isang politiko. Ang tunay niyang pangalan ay Emmanuel Dapidran Pacquiao at siya'y anak ng popular na si Mommy Dionisia Pacquiao. Mahirap ang naging buhay ni Pacquiao noong siya'y bata pa lang. Binuhusan niya ng atensyon ang boxing kung kaya't naging magaling siya dito at ngayo'y isa sa mga pinakarespetadong boksingero sa mundo. Kasal siya kay Jinkee Pacquiao at may limang anak sila sa kasalukuyan. Isa rin si Pacquiao sa mga senador ng Pilipinas sa ngayon.

POPULAR: Read more news about Manny Pacquiao here

Dahil buwan ng kalayaan ngayon ng Pilipinas, ilang kulay ba ang mayroon sa bandila ng Pilipinas?

Alamin ang mga sagot ng ating mga kababayan sa tanong na ito sa baba

For more HumanMeter videos on YouTube, click here

Source: Kami.com.ph

Related news
Mahirap noon, yayamanin na ngayon! 5 Kapamilya stars na sumikat at yumaman

Mahirap noon, yayamanin na ngayon! 5 Kapamilya stars na sumikat at yumaman

Mahirap noon, yayamanin na ngayon! 5 Kapamilya stars na sumikat at yumaman
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel