Sipag at tiyaga! Bumilib ang maraming netizens kay Jolo Revilla sa pagtatapos nito ng college

Sipag at tiyaga! Bumilib ang maraming netizens kay Jolo Revilla sa pagtatapos nito ng college

- Kamakailan lang ay nagtapos sa college si Jolo Revilla

- Siya ay nagtapos ng degree sa Legal Management in an ETEEAP (Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program)

- May mensahe rin si Jolo sa kanyang mga magulang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Maganda ang taon na ito para sa actor-politician na si Jolo Revilla dahil kamakailan lang ay nagtapos siya ng college.

Nalaman ng KAMI na meron din siyang inspiring na mensahe sa kanyang mga online followers.

Ayon sa ulat ng PUSH, nakapagtapos siya ng degree sa Legal Management in an ETEEAP (Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program) sa Lyceum of the Philippines University, Manila.

Ito naman ang nilagay na inspiring caption ni Jolo sa kanyang Instagram account, "Being a public servant, actor and a student all at the same time is a great challenge. Pero tulad ng marami sa inyo, I made it. Kapag ginusto, kahit mahirap, hindi lang kakayanin, mapagtatagumpayan pa!"

"Together with my fellow graduates, I'm taking a stand to serve our country by helping make education accessible to all. Lumang tugtugin man pero totoo, education is the only key to alleviate poverty," ito naman ang komento niya patungkol sa edukasyon.

Meron siyang nakaka-touch na mensahe para sa kanyang ama at ina, "To my mom, accept my love and gratitude. To my dad, this is my advanced Father's Day gift to you. To my friends and loved ones, along with people who helped me up the steps of the ladder to reach this moment, I humbly share this milestone which will always remind me that at the face of challenges, you believed that I can make it."

Shinare din ni MJ Felipe sa kanyang Twitter account ang mga larawan na ito sa kanilang graduation.

Si Jose Lorenzo Hernandez Bautista, o mas kilala bilang si Jolo Revilla, ay anak nina Senator Bong Revilla at Congresswoman Lani Mercado. Siya ay nanunungkulan bilang Vice Governor ng Cavite.

Si Jolo ay may anak na lalaki sa anak na babae ni Rosanna Roces. Kasalukuyan siyang boyfriend ng Kapamilya star na si Jodi Sta. Maria.

Today, fitness trainer Keziah and Sam are sharing their achievement of week two of the one-month transformation challenge! Sam is a school teacher in the Philippines who is determined to become strong and Keziah is helping her to make it happen. Sam’s colleagues already noticed the difference after only one week of the fitness challenge! Is it easy to stick to the plan? Sam is sharing her feelings and thoughts on the process.

Sam’s Fitness Challenge Week 2: Sharing Her Thoughts And Progress - on BeKami YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Anak ni Ynez Veneracion, tatay ang turing sa ex-boyfriend ng ina na si Mon Confiado

Anak ni Ynez Veneracion, tatay ang turing sa ex-boyfriend ng ina na si Mon Confiado

Anak ni Ynez Veneracion, tatay ang turing sa ex-boyfriend ng ina na si Mon Confiado
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel