Oo o hindi? Kris Aquino nagsalita na tungkol sa pagpasok niya sa pulitika

Oo o hindi? Kris Aquino nagsalita na tungkol sa pagpasok niya sa pulitika

- Kris Aquino inilantad na wala siyang balak tumakbo bilang isang pulitiko sa taong 2019

- Ang Queen of All Media ay busy sa maraming proyekto

- Kris Aquino sinagot ang komento ni Bam Aquino na siya ay mananalo kung tatakbo sa 2019

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nilinaw ng Queen of All Media na si Kris Aquino na wala siyang oras at balak na tumakbo bilang isang pulitiko sa 2019. Ayon sa aktres/TV host, marami siyang pinirmahang kontrata sa iba’t ibang brands kaya wala sa plano niya ang umupo bilang senador.

Ayon sa Push.com.ph, nagpasalamat ang Queen of All Media sa komento ni Bam Aquino tungkol sa kanya. Ayon sa senador, maaaring manalo si Kris kung sakaling siya ay tatakbo sa susunod na taon. Nang mabasa ng akres/TV host ang sinabi ni senador Bam, pinasalamatan niya ito ngunit ipinahayag din niya na hindi talaga pwede dahil magiging labag ito sa mga pinirmahan niyang kontrata.

Ayon din kay Kris, magsasalita lamang siya tungkol sa pulitika kung kailangan niyang depensahan ang kanyang pamilya. Dagdag nito, takot siya na lumabag sa kanyang mga kontrata at marunong siya tumanaw ng utang na loob at loyalidad sa mga nagtitiwala sa kanya pagdating sa trabaho.

Sa post ng aktres sa kanyang Instagram account, ibinahagi niya ang mga kompanya at mga taong pinirmahan niya ng kontrata. Sa huli, pinasalamatan din ng aktres/TV host ang mga taong nagmamahal at sumusuporta sakanya.

Si Kris Aquino ay isang TV host, aktres, endorser, at producer. Mas kilala siya sa tawag na Queen of All Media. Siya ay may dalawang anak na sina Joshua na anak niya kay Phillip Salvador at James Carlos “Bimby” Yap Jr. na anak niya kay James Yap.

Nais mong malamang ang lahat tungkol sa watawat ng Pilipinas? Panuorin ang Philippine Flag challenge at alamin kung marami pa ba ang nakakaalam sa kasaysayan ng ating watawat. Maging isa sa pinaka-unang makatanggap ng mga bagong balita, nakakatuwa at nakakabagbag damdaming kwento it istorya dito lamang sa din.

Source: Kami.com.ph

Related news
Ibinahagi ni Julia Montes ang kanyang 'one and only king' sa buhay

Ibinahagi ni Julia Montes ang kanyang 'one and only king' sa buhay

Ibinahagi ni Julia Montes ang kanyang 'one and only king' sa buhay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel