Matandang wala nang tirahan, humingi lamang ng gamot para maibsan ang sakit sa kalakasan ng bagyo

Matandang wala nang tirahan, humingi lamang ng gamot para maibsan ang sakit sa kalakasan ng bagyo

- Isang netizen ang nagbahagi ng larawan ng kanyang "Tatay Pedak" na hirap na hirap sa kalagayan niya sa gitna ng kalakasan ng ulan

- Awang awa ang nagpost na may facebook name na Fajilan Nikki Marjorie dahil alam niyang nasa di magandang kalagayan ang kanyang tinatawag na "Tatay Pedak"

- Walang ibang hangad ang mga netizens na nagkomento kundi ang matulungan ang matanda

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakadurog talaga ng puso ang post ng isang facebook user na si Fajilan Nikki Marjorie kung saan pinakita niya ang kalagayan ni isang matanda na tinatawag niyang "Tatay Pedak"

Nalaman ng KAMI na wala nang tirahan si "Tatay Pedak", kaya naman sa katatapos lang na bagyo, hirap na hirap talaga ang kalagayan niya.

Kaya naman Hunyo 12, bandang ala una ng madaling araw, di talaga maalis sa isip ni Nikki ang sitwasyon ni Tatay Pedak.

Di nga siya nagkamali ng kutob, at napahagulhol daw ang matanda nang makita siya.

Kaya naman di rin napigilan ni Nikki na mapaiyak din sa sobrang awa niya sa matanda.

Umiinda raw ito sa rayuma kaya naman nanghihingi ito ng mefenamic acid para maibsan ang kanyang nararamdamang sakit.

Ang mas nakakdurog pa ng puso na nasabi ni Tatay Pedak ay nang sabihin nito kay Nikki ang kanyang matagal nang dinarasal.

"LAGI AQ NAGDASAL... SABAY PUNAS LUHA AT IYAK .... SANA KUNIN NA LANG AQ NI LORD... SANA MAMATAY NA LANG AQ,, KASI HIRAP NA HIRAP NA AQ DITO,, SABAY HAGULGUL NG IYAK!!!!"

Nanawagan din si Nikki sa kapatid ni Tatay pedak na si Catherine. Sana manlang daw ay dalawin nito ang matanda kahit na paano.

Samantala, walang ibang hangad ang mga netizens kundi ang matulungan ang matanda.

"Sa mga anak ni tatay pedak cguro sa ngaun ay magulang na rin kau .. Gusto nio bang maranasan nio ung nararansan nia ngaun blng araw..."

"Bata pa ko nakikita ko na si tatay dyan banda sa eskinita, dinadaan daanan lang sya ng tao at hindi pinapansin. Yung mga panahong yon ay may maliit pa syang sinisilungan. Last time na nakita ko sya wala na syang silungan at nakaupo nalang sya sa sahig kasama ng kakarampot nyang gamit.Napapaisip ako kung may nag-aalaga ba sa kanya kasi sobrang dungis nya every time na makikita ko sya. Umaraw, umulan nandon lang sya. May mga tao sigurong nakakakita sa kanya at naaawa pero walang kakayahang tumulong tulad ko. Sana'y may mag-abot ng tulong kay tatay, hindi biro ang dinadanas nya. Hindi nakakatawang maawa, hindi din masama ang tumulong. SHARE NATIN TO, UPANG MAY MAG-ABOT NG TULONG KAY TATAY. #KMJS"

"Pwde po ba madala yan sa home for the aged? May bayad po ba pag dinala C tatay doon?"

"saLamat sayo ate sa pag aalaga Kay tatay na kakaawa Naman sia aLam mo ung mama ko Mahilig mag alaga ng matanda pinapakain Nia araw-araw Dahil ang Lolo at lola ko Maaga na Wala at sabay sila Kaya sa iba na Lang ni Mama Gingawa ang pag aalaga sa matatanda Kaya ikaw ate na tumulong Kay tatay Sana pag palain ka ng may kapal God bless you ate"

"ako po lubhang nagpapasalamat sayo te.dahil napakabuti mo kay tatay.naway pagpalain ka."

Do you know how many colors are on our flag? Philippine Flag Challenge 2018: How Many Colors Are On It? | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Pangulong Duterte, may banta sa mga kandidato para sa darating na Halalan 2019

Pangulong Duterte, may banta sa mga kandidato para sa darating na Halalan 2019

Pangulong Duterte, may banta sa mga kandidato para sa darating na Halalan 2019
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel