"Ate Girl" Jackque Gonzaga, may rebelasyon kung kanino niya inaalay ang bawat pagsayaw niya

"Ate Girl" Jackque Gonzaga, may rebelasyon kung kanino niya inaalay ang bawat pagsayaw niya

- May malalim palang kuwento ang pagsasayaw ni "Ate Girl" Jackque Gonzaga

- Noong una pala ay tutol ang kanyang mga magulang sa hilig nito sa pagsasayaw

- May rebelasyon din kung kanino niya inaalay ang bawat sayaw niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Si Jackque Gonzaga na mas kilala bilang si "Ate Girl" ay meron palang malalim na kuwento sa likod ng kanyang pagsasayaw.

Nalaman ng KAMI na itinampok ng 'Rated K' ang kanyang buhay sa kanilang huling episode.

Ayon sa ABS-CBN, tutol ang mga magulang ni Jackque sa kanyang hilig sa pagsasayaw. Siya ay nag-iisang babae at bunso sa anim na magkakapatid.

"Noong naka-graduate na siya at nagpaalam na siya na gusto niyang magsayaw, sabi ko nag-aral ka pa tapos magsasayaw ka lang pala. 'Yung daddy niya sinabi eh bakit pinayagan ko raw. Noong nakita namin na masaya siya, eh wala na kaming nagawa kung hindi suportahan siya kung saan siya masaya," sabi ng kanyang ina.

Siya ay anak nina Florencio at Luisa Gonzaga, ang kanyang ama ay isang musikero sa barko at bihirang makauwi sa piling ng pamilya.

Dahil hindi madalas nagkakasama ang mag-ama, bawat indak ng pagsasayaw ni Jackque ay inaalay niya para sa kanyang ama.

Watch the video below:

Si Jackque Gonzaga ay isa sa mga regular dancers sa It's Showtime. Nakilala siya bilang si "Ate Girl" dahil ito ang madalas na tawag sa kanya ni Vice Ganda.

Sumikat ang kanilang tandem na 'ViceJack' na talagang inaabangan ng marami nilang fans sa It's Showtime.

Today, fitness trainer Keziah and Sam are sharing their achievement of week two of the one-month transformation challenge! Sam is a school teacher in the Philippines who is determined to become strong and Keziah is helping her to make it happen. Sam’s colleagues already noticed the difference after only one week of the fitness challenge! Is it easy to stick to the plan? Sam is sharing her feelings and thoughts on the process.

Sam’s Fitness Challenge Week 2: Sharing Her Thoughts And Progress - on BeKami YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Anak ni Ynez Veneracion, tatay ang turing sa ex-boyfriend ng ina na si Mon Confiado

Anak ni Ynez Veneracion, tatay ang turing sa ex-boyfriend ng ina na si Mon Confiado

Anak ni Ynez Veneracion, tatay ang turing sa ex-boyfriend ng ina na si Mon Confiado
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel