GoodDeedsChallenge ng isang lalakeng naka-motor at namimigay ng pagkain sa mga mahihirap, umani ng papuri

GoodDeedsChallenge ng isang lalakeng naka-motor at namimigay ng pagkain sa mga mahihirap, umani ng papuri

- Nag-viral ang video ng netizen na si Jasper De Leon Cabrera kung saan namimigay siya ng pagkain sa mga madadaanan niyang kababayan nating mahirap

- Tinawag niya itong #GoodDeedsChallenge kung saan hinahamon niya ang lahat na gawin din ang mabubuting gawain sa iba lalo na sa mga nangangailangan

- Umani ito ng positibong reaksyon at papuri sa mga netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang 'good samaritan' na maituturing ang netizen na si Jasper De Leon Cabrera dahil sa pagtulong niya sa mga taong nangangailangan.

Nalaman ng KAMI na nagpost pala ito ng video sa kanyang facebook kung saan nakasakay siya sa kanyang motor at bumili siya ng pagkain sa Jollibee. Iyon pala, ipamimigay niya ito sa mga mahihirap nating kababayan na kanya lamang nadadaanan habang naka-motor.

Di matatawaran ang mga ngiti ng kanyang mga nabibigyan ng pagkain at may kasama pang tapik sa balikat o yakap pa nga minsan.

Isa sa mga nabigyan niya ay ayaw pakilala ng matandang naka-wheelchair na nangangalakal pa rin. Baka raw kasi kunin siya ng Dswd.

Base sa caption ni Jasper sa kanyang facebook post na ito,tinawag niya itong #GoodDeedsChallenge kung saan hinihikayat niya na gawin din natin ito sa ating munting paraan.

"Go! Go! Go! We can Do this!," ayon kay Jasper.

Habang sinusulat ang kwentong ito, may nagparating kay Jasper na isa pala sa mga nabigyan niya ay pumanaw na.

Kahit manlamg daw bago ito umisan sa mundo, napasaya ito ni Jasper.

Samantala, dahil sa dulot nitong 'positive vibes' sa atin, umani ito ng mga papuri sa mga netizens.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

“napanuod ko na naman bro.naluha ako sa matandang nakikipagsapalaran sa lansangan.di nakakasawa panuorin.balang araw gagayahin din kita.sana dumami pa good samaritan. salute pre . godbless”

“Galing mo kuya i salute you sana marami pang katulad mo ang gagawa niyan hindi kaman nanghingi sa iba at sariling bulsa mo ang ginamit mo dahil jan up ako sau”

“yun hahaha may gumawa din nito akala ko sa manila lang ehh nag karon din sa bulacan”

"oo pre nakakagaan talga ng loob.kaya pag may nakikita ko ganyang matatanda na nasa lansangan pa din naaawa kong makita. balang araw pre . sa ngayon wala pa hehe. darating tayo jan. aayain nalang kita bigla"

Umabot na sa mahigit na 740k views ang post na ito, 20, 817 shares at 16k na mga reksyon ang post na ito.

Do you know how many colors are on our flag? Philippine Flag Challenge 2018: How Many Colors Are On It? | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Anak ni Ynez Veneracion, tatay ang turing sa ex-boyfriend ng ina na si Mon Confiado

Anak ni Ynez Veneracion, tatay ang turing sa ex-boyfriend ng ina na si Mon Confiado

Anak ni Ynez Veneracion, tatay ang turing sa ex-boyfriend ng ina na si Mon Confiado
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel