Sue Ramirez, binash matapos sumagot sa netizen na nagsabing may balakubak ang buhok niya!

Sue Ramirez, binash matapos sumagot sa netizen na nagsabing may balakubak ang buhok niya!

- Nagpost ng bagong photos si Sue Ramirez

- May netizen na nag-comment na meron daw dandruff ang buhok niya

- Sumagot ang aktres sa komentong ito ng netizen

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Madaling ma-target ang mga celebrities sa pangba-bash sa social media. Pero dahil tao lamang sila, napipikon at nasasaktan din sila.

Nalaman ng KAMI na sinagot ni Sue Ramirez ang isang netizen na nagbirong may balakubak ang kaniyang buhok sa photo niya.

Ayon kay Sue, glitters at hindi dandruff ang nasa buhok niya.

Nag-tweet din siya ukol sa pagkadismaya niya sa mga taong mahilig mang-bash.

Dahil dito, maraming netizens sa Fashion Pulis ang nagsabing balat sibuyas ang aktres:

“Dandruff talaga gurl, wag nang denial!”

“Nabasa ko ito eh. Tagal makamove on ni Sue sa simpleng joke. Mukha naman kasi talagang dandruff sa shampoo commercial. Hirap mabiro ni ateng. Naglitanya pa eh sinabi na nga nung tao na charot lang.”

“Siguro totoo kaya napikon si ate .hehe.. Bakit Ka naman maglalagay ng glitters sa hair ? USO ba yun ngayon? Saka Bakit sa part na yan”

“Parang nag jo-joke naman yung nag tweet. Sineryoso naman ni Sue. Obviously hindi yan magpa-picture nang kitang kita dandruff.”

“Balat sibuyas! Kung ayaw mo sa public opinion o perception. Wag ka na mag-showbiz.”

Meron din ilang nagtanggol kay Sue:

“Mga bashers mga walang modo!”

“Nagpapatawa siguro, o kaya nagpapapansin, or di sila makatulog hanggat di nalalaman bakit may ganun sa hair.”

Ipinanganak si Sue noong July 20, 1996. 21 years old na siya ngayon.

Ang ina ng aktres ay isang Pinay at American citizen naman ang tatay niya.

Kasama si Sue sa mga Kapamilya teleserye naAngelito: Batang Ama, Angelito: Ang Bagong Yugto, Annaliza, Pangako Sa'Yo, Dolce Amore, La Luna Sangre at Hanggang Saan.

In the run-up to the Philippines Independence Day, we decided to go out into the streets and ask passers-by a simple but, at the same time, a tricky question: "How many colors does the Philippine flag have"? – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
6 Filipino celebrities who left showbiz career for a more ordinary job

6 Filipino celebrities who left showbiz career for a more ordinary job

6 Filipino celebrities who left showbiz career for a more ordinary job
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel