Basketball o Showbiz? Gerald Anderson, ibinunyag kung ano ang mas matimbang sa kanya

Basketball o Showbiz? Gerald Anderson, ibinunyag kung ano ang mas matimbang sa kanya

- Aktor na si Gerald Anderson, inaming mas gusto niya ang basketbol kaysa sa pagiging artista

- Matagal ng pangarap ng aktor ang maging isang basketball player

- Ibinahagi din ni Gerald na sumasailalim siya sa isang basketball training

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sikat na aktor na si Gerald Anderson mas pangarap ang maging basketball player kaysa maging artista. Inamin ng aktor na kung hindi siya nabigyan ng pagkakataon na pumasok sa showbiz at nagkaroon ng big break, mas pipiliin pa niya ang maglaro ng basketbol.

Ayon sa ABS-CBN News, ibinahagi ni Gerald Anderson ang kanyang saloobin tungkol sa kanyang naudlot na karir na maging isang propesyonal na basketbolista. Ayon sa aktor, pangarap niya talagang maging basketbolista noong bata pa. Kung hindi siya sumabak sa showbiz, maaring naglalaro na siya bilang isang sikat na basketbolista.

Inamin ng aktor na sumasailalim siya sa isang basketball training sa tulong ni Coach Elvis Tolentino. Ayon pa kay Gerald, maatas ang expectation ng coach sakanya ngunit mas tinaasan niya ang expectations niya para sa kanyang sarili.

Kung may makakalaban man ang aktor sa ngayon, ito ay ang oras. Dahil busy din siya sa kanyang projects, hindi madalas ang kanyang pag eensayo kaya naman pag wala siyang taping o proyekto, lagi siyang nagpaparactice sa bahay nila o sa isang basketball court.

Pinasalamatan din ni Gerald Anderson ang kanyang teammates sa Marikina Shoemaster kung saan siya naglalaro ngayon.

Si Gerald Anderson ay kilala bilang isang sikat na aktor, producer, TV ambassador, at basketbolista. Siya din ay sumali sa Pinoy Big Brother: Teen Edition at tinanghal na Teen Third Big Placer.

Madaling sabihin ang salitang magpapayat ngunit napakahirap gawin. Ngunit, kung ikaw ay may sipag at tyaga, makakamit mo ang iyong body goal. Samahan mo si Sam sa kanyang fitness challenge upang makita kung ano ang magandang maidudulot ng determinasyon. Kung nais mong maging una sa iba pagdating sa latest updates, nakakatuwa at nakakainspire na videos at istorya, dito kana sa BeKami Youtube Channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Catriona's homecoming dress, Pinoy na Pinoy muli ayon kay Mak Tumang

Catriona's homecoming dress, Pinoy na Pinoy muli ayon kay Mak Tumang

Catriona's homecoming dress, Pinoy na Pinoy muli ayon kay Mak Tumang
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel