Sinagip! OFW sa Saudi Arabia dahil diumano'y kinulong ng amo sa rooftop

Sinagip! OFW sa Saudi Arabia dahil diumano'y kinulong ng amo sa rooftop

- Sa 'Sumbungan Ng Bayan' ng '24 Oras' noong June 12, 2018, ay nagpasaklolo ang panganay na kapatid ng isang OFW dahil inabuso umano ng kanyang amo.

- Isang buwan pa lang daw sa Riyadh sa Saudi Arabia ang 33-year-old na si Joana ay humingi na ng tulong sa kanyang kapatid.

- Tira-tira na lang daw na pagkain ang kinakain ni Joanna at kinukulong pa daw ito ng kanyang amo sa rooftop.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ang pangarap lang daw ni Joanna ay magkaroon ng magandang buhay para sa pamilya kaya naman daw tinanggap ang trabaho sa Riyadh bilang household service worker pero isang buwan pa lang daw ay humingi na ng saklolo sa kanyang kapatid.

Enero daw ngayong taon nag-umpisa magtrabaho ang OFW na si Joana pero hirap na daw ang dinanas niya sa kamay ng kanyang amo.

Nalaman ng KAMI na mahigit sa dalawampung libong piso ang sahod ni Joana sa pagtatrabaho bilang household service worker sa bansa ng Saudi Arabia pero tila ang magandang pangarap na hinahangad ay hindi ang siyang inaasahan dahil diumano'y hirap ang naranasan nito isang buwan pa lang na nagtatrabaho sa amo.

Kaya humingi ng saklolo ang panganay na kapatid sa ahensya na nagpadala sa kanyang kapatid.

Ayon dito ay sagot na din daw ng nasabing ahensya ang dalawang buwan na hindi nasweldohan si Joana.

Ang sabi daw ng amo tungkol sa akusasyon na diumano'y kinulong ang OFW sa rooftop nito ay hindi daw ito kinulong pero nasirhan lang daw.

Panoorin ang nasabing balita, mag-umpisa sa 20:00 na timestamp

Dahil buwan ng kalayaan ngayon ng Pilipinas, ilang kulay ba ang mayroon sa bandila ng Pilipinas?

Alamin ang mga sagot ng ating mga kababayan sa tanong na ito sa baba

For more HumanMeter videos on YouTube, click here

Source: Kami.com.ph

Related news
Baeby Baste’s mother caught on video caring and rocking baby Tali to sleep

Baeby Baste’s mother caught on video caring and rocking baby Tali to sleep

Baeby Baste’s mother caught on video caring and rocking baby Tali to sleep
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel