Nagdiwang! Toni Gonzaga at Paul Soriano tatlong taon ng kasal

Nagdiwang! Toni Gonzaga at Paul Soriano tatlong taon ng kasal

- 'Araw ng Kalayaan' araw din na na sinagot ng 'Ultimate Multimedia Superstar' ang gwapong direktor na ngayon ay asawa na niya na si Paul Soriano.

- Araw din ito na tinanggap nyang maging kabiyak at katuwang sa buhay at ama ng kanyang magiging anak si Paul sa kanilang 8th anniversary bilang magnobyo at nobya.

- Tatlong taon na ang nakalipas simula ng mag-isang dibdib ang 'Romantic-Comedy Queen' at ang award-winning director kaya naman nagdiwang ang mga tagahanga sa wagas at tunay na pagmamahalan ng dalawa.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ang love story nina Paul Soriano at Celestine 'Toni' Gonzaga ay talaga namang naging huwaran ng lahat ng kalalakihan at kakabaihan.

Marami ang naantig at napahanga sa pagkahuwarang babae, anak, at kapatid ng multi-award-winning actress, TV host, singer, endorser, at performer.

Mahigit dalawang dekada siyang naghantay para masabi ang matamis na 'oo' sa lalaki na siya din naman pinakasalan.

Walong taon nagtiyaga at nagtiis si Paul para lang marinig nya ang napakahalagang 'I do' ng isang Toni Gonzaga.

Kaya naman walang kapantay ang paghanga ng kahit na sinong babae, mga magulang, at mga lalaki sa pagiging magandang halimbawa ni Toni.

Nakita ng KAMI na nagpost ang 'host of all hosts' na si Toni Gonzaga o kilala ng pamilya, kaibigan at tagahanga niya bilang Tin sa kanyang opisyal na Instagram account ng isang napakaganda at nakakakilig na throwback picture nila ni Paul sa araw ng kanilang kasal.

At ito nama'y sinundan ng kanyang mga tagahanga ng serye na mga snaps sa kanilang pre at post wedding snaps.

Umingay din ang 'Twitter' world sa sunod-sunod na pagbati ng mga milyon-milyong tagahanga ng nag-iisang Toni Gonzaga.

Si Toni Gonzaga at Paul Soriano ay kinasal noong June 12, 2015 pagkatapos ibahagi ang engagement nila sa 'The Buzz' noong February 1, 2015.

Pagkatapos ng mahigit isang taon ay masayang pinagdiwang nila ang pagdating ng kanilang unang baby na si Severiano Elliott, na ngayon rin ay may sariling fans.

Balikan ang napakagandang kasal nina Paul at Toni sa baba

Dahil buwan ng kalayaan ngayon ng Pilipinas, ilang kulay ba ang mayroon sa bandila ng Pilipinas?

Alamin ang mga sagot ng ating mga kababayan sa tanong na ito sa baba

For more HumanMeter videos on YouTube, click here

Source: Kami.com.ph

Related news
Mader Sitang at Vice Ganda, posibleng magkasama sa isang pelikula

Mader Sitang at Vice Ganda, posibleng magkasama sa isang pelikula

Mader Sitang at Vice Ganda, posibleng magkasama sa isang pelikula
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel