Laking gulat ng isang netizen nang makita ang nasa loob ng delatang corned beef na uulamin sana nila

Laking gulat ng isang netizen nang makita ang nasa loob ng delatang corned beef na uulamin sana nila

- Isang netizen ang nag-kuwento ng kanyang karanasan sa isang brand ng delatang corned beef

- Ayon sa kanya, kinuha niya ito sa kanilang tindahan para lutuin

- Laking gulat niya nang makita ang nasa loob ng delata

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi talaga inaasahan ng isang netizen na makikita niya ito sa loob ng delatang corned beef na uulamin sana nila.

Nalaman ng KAMI na shinare sa Facebook ng isang Kenet Ochoa ang karanasan niya sa isang brand ng delata.

Ayon kay Kenet, kumuha siya ng 2 delatang corned beef sa kanilang tindahan, ngunit laking gulat niya ng makita na may uod ito sa loob. Buti nalang daw at napansin nila, kung hindi ay makakain pa ng mga bata.

Tiningnan daw niya ang expiry date at malinaw ang nakalagay na March 7, 2021. Nag-iwan na raw siya ng reklamo sa Facebook page ng nasabi niyang brand ng corned beef pero wala pa rin silang nakukuhang feedback galing sa kanila.

Read his full post below:

"babala sa mahilig sa argentina cornbeef lalo na baka maipakain pa sa mga bata. magluluto dapat ako ng ulam kaya kumuha ako sa tindahan namin ng dalawang lata ng argentina cornbeef.

"pag bukas ko ng isang lata nakita ko parang iba ata ng tignan ko mabuti may mga gumagalaw mga uod na maliliit na puti chineck ko ang expiration date malinaw naman na march 07 2021 pa ang expired pero bakit puro uod na , mabuti na lang at napansin agad kaya nkakatakot din pala kumain ng ganito na akala natin safe.

"nag try ako tumawag saknila para i complain at nag message sa fb page nila pero wala silang feedback regarding dto sa produkto nila. kaya double chek nyo na lang palgi kung sakaling mahilig kayo sa argentina cornbeef . pa share na lng po para aware yung iba.. na hindi pla safe ito."

Maraming netizens ang naalarma sa kuwento ni Kenet at sinasabi pa ng iba na paborito nila ito.

Read some of the comments from netizens below:

Laking gulat ng isang netizen nang makita ang nasa loob ng delatang corned beef na uulamin sana nila

Laking gulat ng isang netizen nang makita ang nasa loob ng delatang corned beef na uulamin sana nila

Pinapaalala ng KAMI na maging maingat tayo palagi sa ating mga hinahain na pagkain sa ating pamilya!

Today, fitness trainer Keziah and Sam are sharing their achievement of week two of the one-month transformation challenge! Sam is a school teacher in the Philippines who is determined to become strong and Keziah is helping her to make it happen. Sam’s colleagues already noticed the difference after only one week of the fitness challenge! Is it easy to stick to the plan? Sam is sharing her feelings and thoughts on the process.

Sam’s Fitness Challenge Week 2: Sharing Her Thoughts And Progress - on BeKami YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Ibinahagi ni Julia Montes ang kanyang 'one and only king' sa buhay

Ibinahagi ni Julia Montes ang kanyang 'one and only king' sa buhay

Ibinahagi ni Julia Montes ang kanyang 'one and only king' sa buhay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel