Mga Hollywood stars na nabighani sa ganda ng Pinas kilalanin

Mga Hollywood stars na nabighani sa ganda ng Pinas kilalanin

- Ito ang ilan sa mga Hollywood stars na talagang nabighani sa angking ganda ng Pilipinas at sa katunayan ay binahagi nila ito sa kanilang social media at mga kwento.

- Kabilang sa mga artistang ito ay sina Margot Robbie at Evangeline Lilly pati na rin si Zac Efron, Mariah Carey, Tom Cruise, Robert de Niro, Jeremy Renner and Rachel Weisz.

- Binahagi nina Margot at Evangeline sa kanilang social media accounts ang ilang mga snaps ng kanilang pagbisita didto sa Pinas.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sina Hollywood stars Margot Robbie at Evangeline Lilly ay nagshare ng kanilang karanasan sa simoy kung paano ang Pinoy namumuhay sa kanilang maikli pero nakakawiling pagbisita sa Pinas.

Binahagi ng 'PEP' ang mga listahan ng mga ilang Hollywood stars na ito.

Ang iba sa kanila ay pumunta dito dahil nagshoot ng kanilang pelikula o di kaya nagperformed at dito ay may pagkakataon sila na i-enjoy ang kanilang pagbisita sa Pilipinas at halos lahat sa kanila ay talagang nabighani sa bansa natin.

Meron ngang iba na pumili na magstay dito sa Pilipinas ng ilang taon at mag-enjoy sa mga isla ng bansa.

May iba katulad ni David Pomeranz na piniling magpabalik-balik at merong iba din naman na pumupunta dahil sa chairty works.

Dati-rati bumisita dito si Mariay Carey at nagstay daw dito ng dalawang araw sa Amanpulo at si Zac Efron naman ay naishare din kay Ellen DeGeneres ang pagbisita niya sa Pinas at talagang naaliw sya.

Ang 'Ant-Man And Wasp' na bidang babae na si Evangeline Lilly ay nakapunta din dito sa bansa 20 years ago.

Sa isang panayam daw ng 'ABS-CBN,' sinabi ng aktres ang kanyang magandang experience sa pagbisita noon.

Ang saad niya:

"When I was 18, I spent three weeks on the island of Palawan, in the jungle. I was basically playing with kids. It was a wonderful experience. Palawan, particularly, was so beautiful and remote and untouched.The tribal people that we stayed with were so incredibly generous and hospitable and kind."

Sa ibang bahagi, bago pa man ang 'Tarzan' at 'Suicide Squad' napalabas ay pumunta si Margot Robbie dito sa Pilipinas at nagshare ng ilang mga snap niya sa kanyang pagpunta dito sa bansa.

Naispatan ng KAMI ang picture ni Margot na nasa ibaba na nag-eenjoy sa El Nido sa Palawan

At kaya naman hindi maiwasan ni Margot na ibahagi ito sa kanyang caption na makikita.

Pumunta din ang 'I,Tonya' aktres sa Bohol at nagbahagi din ito ng isang video sa kanyang trip sa nasabing probinsya sa Central Visayas.

Sa video sa taas ay namasyal si Margot Robbie sa famous 'Loboc River' sa Bohol at sinasabi ng 'Suicide Squad' star na gracious daw ang mga Pinoy.

Ang galing at ganda namang pakinggan na marinig sa mga dayuhan ang pagkabighani sa bansa natin

Watch more BeKami videos on YouTube

Source: Kami.com.ph

Related news
Official photos from Tali Sotto’s kiddie pool party finally released

Official photos from Tali Sotto’s kiddie pool party finally released

Official photos from Tali Sotto’s kiddie pool party finally released
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel