Pasahero ng Grab, saludo sa driver na mayroon pa lang Tourette's syndrome

Pasahero ng Grab, saludo sa driver na mayroon pa lang Tourette's syndrome

- Viral ngayon ang post ng netizen na si Mimi Velasquez kung saan nasakyan niya ang Grab na ang driver ay may kondisyon na Tourette's Syndrome

- Inamin ng pasahero na noong una'y nakaramdam siya ng takot sapagkat minsan nawawala sa manibela ang mga kamay nito

- Saludo parin si Mimi dahil daw sa kabila ng kondisyon ng driver na si Marlon Lapina Fuentes, umisip pa rin ito ng paraan para kumita para marahil sa kanyang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Maraming netizens ang naantig sa post na binahagi ni Mimi Velasquez kung saan ang driver ng nasakyan niyang Grab ay may Tuorette's Syndrome.

Ito ay isang kondisyon kung saan di mapigilan ang inboluntaryong paggalaw ng bahagi ng katawan.

Nalaman ng KAMI na sa kondisyon ng driver na si Marlon Lapina Fuentes, bung katawan niya ang gumagalaw ng di sinasadya.

Ayon sa kwento ni Mimi, aminado siya na nakaramdaw siya ng takot sapagkat may pagkakataon daw na nabibitawan ni Marlon ang manibela.

Minsan pa ay napapaangat yung paa nito at napapasuntok pa ito sa manibela.

Sa kabila ng kondisyon na ito ni Marlon na mula ulo hanggang paa, humanga parin daw si Mimi dahil propesyonal driver daw ito dahil ramdam niya na nag-iingat parin si Marlon sa pagmamaneho.

Isa pang dahilan ng paghanga ni Mimi sa driver ay ang pagiging madiskarte nito sa buhay na sa kabila ng kanyang kondisyon, nagawa pa rin niyang maghanap buhay.

Dahil dito, walang ibang hangad ang pasahero kundi ang patuloy na patnubay ng Diyos kay Marlon dahil di ito nagpatalo sa kanyang karamdaman at naisip pa rin niyang kumayod.

Samantala, umani naman ito ng mga positibong reaksyon mula pa ibang netizens.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Salute to both of you Grabber & Rider"

"What is your excuse in life? GOD BLESS THE Driver and the Passenger."

"GODBLESS SIR ..IBA KA TLAGA...DA BEST"

"Saludo ako kay sir.. kasi kahit may sakit siya kaya niyang maging decent driver sa daan.. hindi katulad ng iba.. normal ang condition, sa UGALI naman nakulangan kaya may mga KAMOTE RIDER/ DRIVER."

"KMJS na yan... napaka sipag na tao... sana kahit papano... ibsan ung sakit niya... or tuluyan nang malunasan.. god bless... kuya"

"Keep safe idol"

Habang sinusulat ito, umabot na sa halos 30k na reactions, 4.1k na komento, mahigit 970k views at lampas na 10k na shares na ang post na ito.

How can we motivate ourselves to work hard and not give up? Sam’s Fitness Challenge Week 2: Sharing Her Thoughts And Progress | BeKami on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Anak ni Ynez Veneracion, tatay ang turing sa ex-boyfriend ng ina na si Mon Confiado

Anak ni Ynez Veneracion, tatay ang turing sa ex-boyfriend ng ina na si Mon Confiado

Anak ni Ynez Veneracion, tatay ang turing sa ex-boyfriend ng ina na si Mon Confiado
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel