Sobrang cute! Baby Luna Agoncillo, ipinakita ang galing sa paggamit ng chopsticks

Sobrang cute! Baby Luna Agoncillo, ipinakita ang galing sa paggamit ng chopsticks

- Luna Agoncillo ipinakita kung paano siya kumain gamit ang chopsticks

- Masaya ang bata na ginagamit ang chopsticks habang kalong ni Judy Ann Santos

- Ipinakita din ni Luna kung gaano siya kalakas kumain

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ang bunsong anak nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na si Luna Agoncillo ay ipinakita kung paano niya gamitin ang chopsticks. Cute na cute na kumakain ang bata habang kalong-kalong ng kaniyang nanay. Malakas din kumain ang bata at tila hindi nahihirapan sa pag gamit ng chopsticks.

Ayon sa bidyo, nakikitang kumakain si Luna gamit ang chopsticks na parang tinalian sa dulo upang hindi maghiwalay habang ginagamit. Upang madaling makuha ng bata ang kanyang kinakain, pinira piraso na ni Juday ang pagkain.

Kahit na chopsticks lang ang gamit ni Luna, malakas pa din ito kumain. Nakakamangha na walang natatapon na pagkain habang kumakain ang bata gamit ang chopsticks. Tuwang tuwa si Luna habang pinapakita nito ang gamit niyang kasangkapan sa pagkain. Makikita din sa bidyo ang panganay na kapatid nitong si Yohan.

Ang tatay ni Luna na si Ryan Agoncillo ang nag post ng bidyo habang kumakain ang bata na naka chopsticks. Umabot na ng mahigit 207k views ang nasabing bidyo at inulan din ng magagandang komento galing sa mga followers ni tatay Ryan.

Si Juana Luisa o mas kilalang Luna ay ang bunsong anak nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos. Si Luna ay ipinanganak noong Enero 8, 2016 at may kapatid na sina Yohan at Lucho.

Kung nais mong pumayat at makamit ang minimithing katawan, huwag magdalawang isip na samahan si Sam sa kanyang fitness challenge at makita kung ano ba ang maidudulot ng pagpupursigi pagdating sa pagpapapayat. Maging isa sa pinakaunang makatanggap ng mga bago at viral na balita at nakakatuwa at nakakabagbag damdamin na mga kwento at bidyos dito lamang sa BeKami Youtube Channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Mader Sitang at Vice Ganda, posibleng magkasama sa isang pelikula

Mader Sitang at Vice Ganda, posibleng magkasama sa isang pelikula

Mader Sitang at Vice Ganda, posibleng magkasama sa isang pelikula
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel