Bonggang Japanese dinner kasama sina Vice, Karla, K Brosas, Ogie at Regine

Bonggang Japanese dinner kasama sina Vice, Karla, K Brosas, Ogie at Regine

- Bongga ang dinner na pinagsaluhan ng mga Kapamilya stars na kasama rin ang Kapuso star, ang nag-iisang 'Asia's Songbird.'

- Nakakabilib tingnan ang grupo ng mga malalaki at sikat na artista na nagsama-sama sa isang masarap na simpleng hapunan sa isang restaurant.

- Spotted sa nasabing dinner ang 'Unkabogable Star' na si Vice Ganda, ang Queen Mother na si Momshie Karla Estrada, si Erik Santos, K Brosas, at ang award-winning na mag-asawa na sina multi-awarded singer-songwriter Ogie Alcasid at 'Asia's Songbird' Regine Velasquez.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masarap at magandang tingnan na nagsama-sama sa isang kainan ang mga malalaking bituin sa showbusiness dahil nagbigay talaga sila ng oras sa isa't-isa para magkasama lang na alam namin natin kung gaano ka busy at hectic ang kanilang mga schedules.

Nagtrending ngayon ang video na shinare sa 'YouTube' ng isang channel dahil sa bonding galore ng mga Kapamilya stars at isang Kapuso artist.

Naispatan ng KAMI ang nasabing video at ilang larawan ng nasabing dinner ng nasabing grupo.

Sa unang video makikita si Vice Ganda na papunta pa lang sa nasabing venue at sa sumunod Instagram video story na ni K Brosas.

Ang 'Hungry Samurai' na Japanese restaurant sa Tomas Morato na kinainan ng 'It's Showtime Host' at iilan sa mga hurado nito ay pag-mamay-ari pala nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez.

Humanga naman ang ilang mga fans at nag-abot ng kanilang pagbati sa new venture ng mag-asawa.

"So happy and blessed knowing na may ganyang gathering for them! Congrats @ogiealcasid!"
"Congrats!!!! On a new venture..."
"Congrats @ogiealcasid @reginevalcasid on your new venture!"

At bumati din sila K Brosas at Queen Mother Karla Estrada sa mag-asawa sa kanilang mga posts:

Ang sabi ni K:

"Sarap ng food ditey hungry samurai Tomas morato!! Pramis! Mura pa! Thanks at congrats sir @ogiealcasid"

Dagdag naman ng Queen Mother momshie Karla Estrada:

"At hungry Samurai T. Morato! Sarap guys! Pls visit just in front of Alfredo’s, Tomas Morato."

Kasama din pala nila si Erik Santos

POPULAR: Read more news about Karla Estrada here

Tingnan ang masarap na kainan at tawanan ng grupo sa baba na shinare nila sa kanilang Instagram video stories

Sina Vice Ganda, Karla Estrada, K Brosas, Erik Santos at Ogie Alcasid ay magkasama bilang host at mga hurados ng 'It's Showtime' ng 'ABS-CBN.'

Si Regine Velasquez naman ay solid Kapuso pa rin at makikita siya sa 'Sarap Diva' at mayroon din syang bagong singing contest na show sa 'GMA-7'

For more good vibes, watch the video below

Watch more BeKami videos above

Source: Kami.com.ph

Related news
SWS Survey: Halos 80% ang ‘satisfied’ sa kampanya kontra droga ng Duterte administration

SWS Survey: Halos 80% ang ‘satisfied’ sa kampanya kontra droga ng Duterte administration

SWS Survey: Halos 80% ang ‘satisfied’ sa kampanya kontra droga ng Duterte administration
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel