Nag-aalala ang fans na mauwi sa diumano'y pikunan sina Luis at Alex

Nag-aalala ang fans na mauwi sa diumano'y pikunan sina Luis at Alex

- Hindi lahat ng tao nakakaintindi sa mga trip ng magkakaibigan lalo na sa asaran nina Luis Manzano at Alex Gonzaga.

- Parang napansin yata ng maraming netizens na grabe na ang biruan ng dalawa sa isa't-isa pero ang dalawa ay tiniyak na ang kanilang asaran ay all for fun lang naman daw.

- At pag-amin din ng nakakabatang kapatid ni Toni Gonzaga na hindi daw ito ma-ooffend sa mga jokes ni Luis sa kanya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakatuwang tingnan ang closeness at pagkakaibigan nina Luis Manzano at Alex Gonzaga pero dahil sa minsan grabe na ang mga asaran nito ay tila medyo concern ang ibang mga netizens at pinapansin nila ito.

Pero pahayag namang ng dalawa sa 'PEP' ay lahat daw ng kanilang asaran at biruan ay for fun lang talaga kaya chillax lang mga fans at wag mapraning.

Nalaman ng KAMI na nakausap pala ang dalawang artista ng nasabing media outlet matapos ang kanilang showdown para sa isang Facebook page.

Noong June 9 ng Sabado ay sinigawa nina Luis at Alex ang 'Fox Plus Showdown' na una na ding binalita ng huli sa kanyang Instagram page.

Nangyari nga lahat sa Bonifacio High Street sa Taguigy City at doon daw sinugurado ni Alex na hindi naman siya napipikon sa mga madalas na banat ng pang-asar ni Luis sa kanya.

Ayon pa sa aktres:

“Kasi si Kuya Luis din, may mga times din na kapag may namba-bash sa akin, nakiki-support din o naba-bash din niya.”

Sa mga totoong tagahanga at followers ng dalawang artista ay alam na alam nila na normal lang ito sa dalawa na nag-aasaran sa harap man ng TV o kahit sa kanilang mga social media pages.

Pagliwanag nina Luis at Alex:

“Wala, alam naman namin na everything we say is in jest. Kumbaga, kahit ganun kami magbalahuraan, there's still a line that we draw sa asaran namin."

Dugtong pa ni Luis:

“Kilala na namin ang isa't isa. Basically, kahit anong sabihin ko, hindi naman mapipikon 'yon and vice versa.”

At sa pagtatapos ni Luis sa pagkakaibigan nila ni Alex:

“It's a love-pretending-to-hate relationship.”

Sa isang video nga nilang dalawa, nagcomment na naman si Luis kay Alex na paghindi mo kilala silang dalawa ay talagang aakalain mo na nagpipikunan na ang dalawa.

"buti naman nag enjoy kayo, dahil ako hassle na hassle kasama yang si Cathy."

Unang naging malapit si Luis Manzano kay Toni Gonzaga dahil na din sa niligawan niya ito ng tatlong taon at binasted lang daw siya nito ayon na din naman yan sa mga pahayag ni Luis pero naging magkaibigan silang tunay.

Nagsimula naman ang pagkakaibigan ni Alex at Luis noong humalili siya sa kanyang ate sa first season ng 'The Voice Kids.'

Ngayon ay makikita mo ang kakulitan nilang dawala sa 'I Can See Your Voice'

For more good vibes, watch the video below

Watch more BeKami videos on YouTube

Source: Kami.com.ph

Related news
Baby bump? Marian Rivera and Dingdong's mom spotted holding her bulging tummy

Baby bump? Marian Rivera and Dingdong's mom spotted holding her bulging tummy

Baby bump? Marian Rivera and Dingdong's mom spotted holding her bulging tummy
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel