Hindi pa maka move-on! Wil Dasovich sariwa pa din ang pagkakamali kay Iya Villania

Hindi pa maka move-on! Wil Dasovich sariwa pa din ang pagkakamali kay Iya Villania

- Vlogger na si Wil Dasovich naaalala pa din ang nasabi kay Iya Villania

- Nagbigay ng pahayag ang sikat na vlogger kung ano ang kanyang naramdaman sa nagawa

- Nagbahagi din ng update si Wil tungkol sa kanyang kalusugan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tila hindi pa rin nakaka move-on ang YouTube vlogger na si Wil Dasovich sa kanyang pagkakamali ng makasalamuha ang aktres/TV host na si Iya Villania sa MYX Music Awards. Ayon sa vlogger, natatawa pa din siya at nahihiya pag naaalala ang nangyari.

Ayon sa Pep.ph, itinuturing ni Wil Dasovich na isa sa pinaka nakakahiyang pangyayari ang nasabi niya kay Iya Villania na siyang ikinabigla ng aktres/TV host. Dagdag pa niya, lalong lumala ng sitwasyon dahil hindi siya hinayaang magsalita ni Luis Manzano na naroon din ng masabi niya ang kanyang pagkakamali.

Matatandaan na sa vlog ni Wil noong MYX Music Awards, nasabi ng vlogger kay Iya na dating pangarap nito ang maging asawa ng aktres na nagsanhi ng pagkalito. Mabilis naman na ipinaliwanag ni Dasovich na nais niyang maging isang travel host gaya ni Drew Arellano na asawa ni Iya.

Ayon din sa vlogger, kahit nakakahiya ang nangyari sa kanyang vlog, masaya pa din itong tinanggap ng mga manunuod at tinuring itong entertaining. Dagdag pa niya, laging nakasuporta ang kanyang nobya na si Alodia Gosiengfiao sa kanya.

Masaya ding ibinahagi ni Wil Dasovich na siya ay nagpapagaling pa sa kanyang naging sakit na cancer. Anim na buwan nakipaglaban ang vlogger sa sakit na cancer noong 2017 at Pebrero ngayong taon, siya ay idineklarang cancer-free.

Panuorin ang pag-uusap ni Wil at Iya sa MYX Music Awards dito:

Nais mo bang makamit ang iyong body goals? Huwag ng magpahuli! Sabayan si Sam sa kanyang Fitness Challenge upang malaman kung ano nga ba ang kanyang sikreto. Upang makakuha ng mga bagong balita, breaking news, nakakatuwang kwento at videos, bisitahin lamang ang BeKami Youtube Channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Jejomar Binay talks about alleged cheating during 2016 polls

Jejomar Binay talks about alleged cheating during 2016 polls

Jejomar Binay talks about alleged cheating during 2016 polls
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel