Huminto ang mundo ng magkamayan sina President Trump at Kim Jong-un

Huminto ang mundo ng magkamayan sina President Trump at Kim Jong-un

- Talagang tumigil ang mundo dahil nagtagpo ang dalawang lider ng malalaking mga bansa ang Amerika at North Korea.

- Ngayon lang daw ito nangyari na isang lider ng US at North Korea ay nagtagpo nagbatian at nag-shake hands.

- Ang pagkikitang ito ay dahil sa paghahanap ng wakasan ang isang dekada ng nuclear stand-off.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

June 12 ay tila 'Araw ng Kalayaan' sa buong mundo, sana, ito'y maging hugyat ng mapayapang mundo.

Kaya naman malaking usapin ito at viral ang balitang ito dahil sa unang pagkakataon na nagkita ang mga liders ng dalawang malaking bansa na nagkabanggaan.

Unang naispatan namin ang historical na balita na ito sa 'Rappler.'

Nakita ng KAMI sa mga 'YouTube' videos ng iba't-ibang news outlets na naglakad ang dalawang lider ng bansang Amerika at North Korea patungo sa isa't-isa para sa isang 'momentous handshake'sa ilalim ng whitewashed painted walls sa isang magarbong hotel sa Sinagpore.

Itong pagtatagpong ito ay talagang pumakaw ng pansin ng lahat ng tao sa buong mundo.

Makikita sa mga videos na nagkamayan sina Trump ang Jong-un sa harap ng mga press at buong mundo ng ilang segundo.

Sa nasabing shaking hands, makikita din na inabot ni Trump ang kanang braso ni Jong-un.

Tila ang pangamba ng lahat ay naibsan ng kaunti at nagdadasal din ang lahat na sana'y maging maayos ang lahat.

Dagdag pa sa balita, ay mag-uusap daw ang dalawang lider sa loob ng kalahating araw para mapag-usapang ang kapayapaan sa buong mundo.

Lahat naman ng bagay ay napag-uusapan at napakagandang tingnan na makita ang ang lider ng North Korea at Amerika ay nag-uusap para mapag-usapan ang mga bagay-bagay para sa kapakanan ng mga nakakarami.

Ito nama'y nakakahangang tunay at sana'y mas maganda pa ang mga pangyayari na maririnig natin sa balita tungkol dito.

Watch the video below for more good vibes' stories

Watch more BeKami videos on YouTube

Source: Kami.com.ph

Related news
Lotlot de Leon, di napigilang maiyak habang sinasabi ang kanyang wedding vow sa asawa

Lotlot de Leon, di napigilang maiyak habang sinasabi ang kanyang wedding vow sa asawa

Lotlot de Leon, di napigilang maiyak habang sinasabi ang kanyang wedding vow sa asawa
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel