Saludo ang netizens sa pulis na tumanggi sa tip ng motoristang tinulungan

Saludo ang netizens sa pulis na tumanggi sa tip ng motoristang tinulungan

- Isang pulis sa EDSA ang naging viral sensation

- Tinulungan niya ang isang couple na nasiraan ng sasakyan sa daan

- Tinanggihan din niya ang mag-asawa nang bigyan siya ng tip

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Maraming pulis ang hindi tapat sa kanilang tungkulin pero lalong mas marami ang totoong tapat.

Nalaman ng KAMI na nag-viral ang isang pulis dahil sa kabutihan nito sa ordinaryong mamamayan.

Ayon sa netizen na si Carolyn Jayme, tinulungan daw siya at ang kaniyang asawa ng isang pulis nang magkaroon ng problema ang kanilang kotse sa may EDSA.

Nirepost naman ng Unite Pinas ang istorya ng netizen:

“#Shoutout po sa pulis na ito ..Maraming salamat po sir sa pag tulong sa asawa ko kundi dahil sayo sir matatagalan kami sa gitna ng edsa..

“sobrang pinahanga nyo pa po kami sa kabutihan nyo lalo na sa HINDI nyo PAGTANGGAP ng TIP bilang pagtulong samin, tulad nga po ng sabi mo ‘MALAKI ANG SINASAHOD KO maam, WAG NA PO maam’..sana marami pa po ang tulad mo sir ..!

“Salamat sa diyos at ligtas kami nakauwi ..#PulisViernes,” sinulat ni Carolyn.

Bilib na bilib ang netizens sa kabutihan ng pulis:

“You are a very honorable officer. We pray for your safety and we wish more blessings to shower upon you and your family.”

“Hala Ang guwapo pa.ng.pulis nato..naging hero pa. bait pa..tularan la nawa.. ng ibang Kapulisan..ha ha ha ha mabuhay ka.”

“sana, ktulad mo n lng lahat ng pulis ,upang hndi magkaroon ng agam agam, pagka wlang tiwala, at takot ang mramdaman sainyo ng mamamayan,,,I salute you sir, naibabangon ng tulad mo ang imahe ng kapulisan”

Fitness Challenge: Can you keep up? Today, fitness trainer Keziah and Sam are sharing their achievement of week two of the one-month transformation challenge! Sam is a university student in the Philippines who is determined to become strong and Keziah is helping her to make it happen. – on BeKami YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Nash Aguas, may pabonggang video birthday message para kay Mika dela Cruz

Nash Aguas, may pabonggang video birthday message para kay Mika dela Cruz

Nash Aguas, may pabonggang video birthday message para kay Mika dela Cruz
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel