May limit din! Vicki Belo tumitingin pa din sa presyo bago mamili

May limit din! Vicki Belo tumitingin pa din sa presyo bago mamili

- Dra. Belo may limitasyon sa pagbili ng damit

- Tinitingnan muna ang presyo bago bumili

- Ibinahagi ng celebrity dermatologist ang kanyang mga branded na damit

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinunyag ng celebrity dermatologist na si Dra. Vicki Belo na hindi sa lahat ng oras ay binibili niya ang mga nais niyang damit. Ayon sa sikat na doktora, tinitingnan niya muna ang presyo nito bago magdesisyon kung bibilhin niya ba o hindi. Isa mang sikat na may-ari ng beauty company, kinokonsidera pa din ni Dra. Belo ang presyo.

Ayon sa Pep.ph, ibinahagi ng celebrity dermatologist na kung sobrang mahal ng damit, hindi niya ito binibili gaya ng brand na Dior na kung saan ang ibang damit ay sobrang mahal.

Hindi lang sikat ang doktora sa kanyang beauty company kung hindi sikat din ito dahil sa kanyang walk-in closet na punung-puno ng mga branded na damit gaya ng Gucci, Louis Vuitton, Moschino, Hermes, Dolce & Gabbana, at Emilio Pucci.

Ibinagi din ng doktora na hindi sa lahat ng oras ay puro branded ang suot niya. Minsan, nagsusuot din siya ng mga lokal na damit. Ayon pa dito, kinahiligan niya na ang mamili ng damit kaya naman nung nagsimula siyang maghanap-buhay, binili na nito ang mga nais niyang branded na damit. Mas gugustuhin pa ng celebrity dermatologist na makatanggap ng magagandang damit kesa sa isang diamond earring.

Nang tanungin kung magkano ang kanyang limitasyon sa pamimili, tumawa lamang ang doktora.

Si Vicki Belo ay isang sikat na dermatologist at TV personality. Siya ang may-ari ng Belo Medical Group na nagbibigay din ng beauty services sa mga sikat na artista.

Huwag mawalan ng pag-asa pagdating sa pagpapapayat dahil kung ito ay iyong pagsisikapan, makakamitmo ang iyong gustong katawan. Samahan si Teacher Sam sa kanyang fitness challenge at tignan ang nakakamanghang resulta. Makakuha ng mga bagong updates, breaking news, at makabuluhang kwento at videos dito lamang sa BeKami Youtube Channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University

6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University

6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel