Comedy wedding proposal sa isang batanggeña, umabot na sa 2 milyon views

Comedy wedding proposal sa isang batanggeña, umabot na sa 2 milyon views

- Marami ang kinilig at naaliw sa naging comedy wedding proposal ng isang netizen na si Aljun Casue sa kanyang girlfriend/fiancee na si Roselyn Mendoza Kasilag

- Umabot ng halos 2 milyon views, mahigit 40k shares at halos 25k na reaksyon ang video

- Maski si Aljun ay tuwang tuwa sa 'pangunguna' ng kanyang girlfriend dahil inaasahan na pala nito ang pagpopropose ng boyfriend niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang video ng magkasintahang sina Aljun Casue at Roselyn Mendoza Kasilag sa kanilang comedy wedding proposal. Umabot ito ng halos 2 milyon views, mahigit 40k shares at halos 25k na reaksyon ang video.

Nalaman ng KAMI na naging comedy tuloy ang proposal ni Aljun sakakulitan ng kanyang fiancee.

Nakadagdag pa sa tuwa ng mga netizens ang punto ng girlfriend na batanggeña.

Di tuloy makabwelo si Aljun sa kanyang girlfriend sa sobrang kulit nito na sinasabi pa ang sukat ng kanyang daliri.

Napaka-ordinaryo ng lugar na mukhang parke, ngunit ito marahil ay isang memorable na lugar sa kanilang magkasintahan.

Sa kabila ng kakulitan ni Roselyn, nagawa namang lumuhod at sabihin ni Aljun ang 'magic words' niya para sa nobyo. Pero bago pa man ito sumagot, bumanat pa rin si Roselyn na tila nangangatal at nangainginig daw ang nobyo.

Kinantsawan pa niya ito na di siya sasagot hangga't di pa naisusuot ang singsing sa kanya. Parang masikip pa raw ang singsing kaya tinanong niya sa nobyo kung para sa kanya daw ba talaga ang singsing.

Tinanong din ng babae kung tunay bang ginto ang singsing at kung pwede niya raw itong mai-sangla.

Sa bandang huli ng video ay kinilig pa rin ang mga netizens sa nakakatuwang reakyon nina Aljun at Roselyn.

Narito ang ilang reaksyon ng mga netizens:

"Ka cute iri,, Ang sweet nmn"

"ay pagkakahudiyo,mano ba namang isuot na laang ng di na nagkanda luhod luhod e"

"Ang cute ni ate.. haist SS po kau"

"Ako eh tawang tawa dyan hhahahhaahha!!! Havey eh"

"Ahahaha ang kulit nmn kung ganyan nmn ang partner mo hndi ka talaga ttanda jejeje

Is it easy to stick to the plan? Sam’s Fitness Challenge Week 2: Sharing Her Thoughts And Progress | BeKami on KAMI youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Dobleng tagumpay! Kambal, sabay na nagtapos ng kolehiyo at pareho pa silang 'Summa Cumlaude'

Dobleng tagumpay! Kambal, sabay na nagtapos ng kolehiyo at pareho pa silang 'Summa Cumlaude'

Dobleng tagumpay! Kambal, sabay na nagtapos ng kolehiyo at pareho pa silang 'Summa Cumlaude'
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel