Babaeng mukhang disente nahuli ng biktima na kinuha ang cellphone niya

Babaeng mukhang disente nahuli ng biktima na kinuha ang cellphone niya

- Isang babaeng suspek ang nahuli ng biktima sa LRT

- Kinumpronta ng biktima ang babae at nung una ay todo deny pa ito

- Nang siya'y busisiin, nalaglag ang phone ng biktima na inipit ng babae sa sipit ng kanyang tokong

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang netizen ngayon ang nagbahagi ng pangyayari sa loob ng LRT kung saan may isang babae na nambiktima ng kapwa niyang pasahero.

Nakunan sa video ang kompruntasyon na naganap sa pamamagitan ng biktima at ng suspek.

Tinanong nang deretsahan ng biktima ang babae na kung tutuusin ay disente manamit at hindi mukhang magnanakaw.

Sabi ng biktima, naramdaman daw niya na binuksan ng babae ang zipper ng bag niya, kaya tinanong niya kung nasaan na ang cellphone niya.

Sagot naman ng suspek, bakit niya daw kukunin ang phone ng babae eh may phone naman daw siya, sabay pinakita ang phone niya.

Pero diniin ng biktima na siya talaga ang kumuha sa cellphone nito dahil naramdaman talaga niya.

Dito sinabi na ng biktima na titingnan niya ang loob ng bag ng suspek, at pinakita naman nito.

Sinabi ng mga tao na sa hita at legs ng suspek, kapkapin daw, at dito na nalaglag ang cellphone ng biktima na inipit daw niya sa kanyang tokong.

Pinababa nila agad ang kumuha ng phone at inireport sa security. Nagbigay ng babala ang nag-share ng video dahil mukhang modus talaga daw ng babae sapagkat maraming phone daw ang nakita sa bag niya.

Tricky Questions: Can you translate this into English? on Kami YouTube channel This video shows the ability of Filipinos to translate sentences hurled at them into the universal English language.

Source: Kami.com.ph

Related news
Nagharap na! Kabit na humahawak ng ATM ni mister at si misis nagtuos tungkol sa sustento

Nagharap na! Kabit na humahawak ng ATM ni mister at si misis nagtuos tungkol sa sustento

Nagharap na! Kabit na humahawak ng ATM ni mister at si misis nagtuos tungkol sa sustento
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel