Ibinulalas ni Vice ang 'Unkabogable' pagsisimula ng click na tandem ni Ate Girl

Ibinulalas ni Vice ang 'Unkabogable' pagsisimula ng click na tandem ni Ate Girl

- Isa sa kinagigiliwan sa Kapamilya noontime show na 'It's Showtime' ay ang tambalan nila Vice Ganda at Ate Girl na si Jackque Gonzaga.

- Sa nakaraang episode ng Sunday show na 'Rated K' ay fineature ang click na click na nakakakilig at nakakatawang tambalang Vice Ganda at Ate Girl na talaga namang trending ngayon sa 'YouTube.'

- At sa nasabing palantuntunan ay ibinahagi ni ng 'Phenomenal Star' kung paano ba talaga nag-umpisa ang 'Unkabogable' na team-up nila ni Ate Girl.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa 'Rated K' nga noong linggo ay na-ifeature si Ate Girl Jackque Gonzaga at dito rin ay naibahagi ni Vice Ganda kung paano ba nagsimula ang kanilang tambalan.

Napag-alaman ng KAMI na inamin ni Vice na hindi plinano nila ang click na click at hit na hit talagang love team niya ni Ate Girl sa noontime show ng 'ABS-CBN' ang 'It's Showtime.'

Kinwento ng 'FIRST ever Dolphy King Of Comedy Award from FAMAS!' recipient ang pagsisimula ng tandem nila:

“Sobrang random nung araw na yun. It just happened naturally... no plans or anything. Ang aliwalas ng itsura ni Jackque, gusto ko lang tapos hinarot ko lang siya on the spot. Tapos yun na, kung anu-ano na ang nangyari."

At sa pagshare niya kung paano sila nag-umpisa ay mayroon namang message ang 'Unkabogable Star' sa 'It's Showtime' dancer:

“Jackque, I am so proud of you. Keep it up. Deserve mo lahat yan, dahil mabuti kang katrabaho. Mabuti kang tao, mabuti kang anak. Maganda kang soul.”

Nagbigay din ng payo si Vice kay Jackque:

“Kaya pagbutihan mo lang lagi at ingatan mo kung ano ang mga naibibigay sa ‘yong blessings ngayon at eventually i-share mo din siya sa iba. Jackque, got your back!”

Watch Vice Ganda's message below

Si Ate Girl ay nag-umpisa bilang isa sa mga back-up dancer ng 'It's Showtime' bago maging click na click na tandem ni Vice Ganda sa segment ng 'Miss Q&A.'

Si Vice Ganda naman ay nag-umpsa sa 'Maging Sino Ka Man' bilang best friend ni Toni Gonzaga sa teleserye at ngayon nga'y isa ng Phenomenal blockbuster superstar at super sikat na nga ito.

For more good vibes at maperaha tayong maging sexy kay Ate Girl, watch the video below and get some tips

Watch more BeKami videos on YouTube

Source: Kami.com.ph

Related news
Babaeng lutang, biglang nanapak ng dalagita at nanampal ng 1 buntis

Babaeng lutang, biglang nanapak ng dalagita at nanampal ng 1 buntis

Babaeng lutang, biglang nanapak ng dalagita at nanampal ng 1 buntis
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel