Nakaka-proud talaga siya! Kasambahay nakapagtapos bilang 'magna cumlaude'

Nakaka-proud talaga siya! Kasambahay nakapagtapos bilang 'magna cumlaude'

- Sa hirap ng buhay, di nahiyang pumasok bilang katulong si Jarel Barcelona Tadio

- Inamin niya na walang kasiguraduhan noong una ang kanyang pagpasok sa kolehiyo

- Sulit lahat ang kanyang hirap nang makapagtapos siya bilang Magna cumlaude

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagviral ang post ng isang Jarel Barcelona Tadio kung saan binahagi niya ang tagumpay ng pagiging isang Magna cumlaude ng kanilang klase.

Nalaman ng KAMI na di na pala naisip ni Jarel na makakapasok pa siya ng kolehiyo.

Ayon sa kanyang facebook post, wala siyang inisip noon kundi ang kapakanan ng kanyang ina.

Bata pa lamang kasi si Jarel ay sanay na siyang magbanat ng buto. Sanay siyang magtrabaho sa sakahan, kahit pa sila ay nakikitanim lang sa ibang palayan.

Noong nakatapos siya ng high school, di niya talaga masagot kung saan siya magkokolehiyo.

Sa tuwing tinatanong siya ng kanyang mga kaklase noon, nahihiya pa siyang sabihin na di niya talaga alam kung makakapagkolehiyo siya at malamang magtrabaho na lamang daw.

“Wala. Wala akong gustong maging in the future. Basta mai-ayos ko lang buhay nila mama, ok na ako,” dagdag pa niya.

15 taong gulang pa lamang si Jarel nagtrabaho na siya, Una sa catering services ngunit napakaliit talaga ng sahod.

Kaya naman naghanap siya ng regular na trabaho at dito naisipan niyang maging kasambahay.

Di ito kinahiya ni jarel sapagkat ito ay trabahong marangal. Isa pa, sinuwerte siya sa kanyang mga amo na tinuring siyang parang kapamilya.

Masaya siya sapagkat, libre na ang tulugan, libre pa pagkain, libre meryenda, libre tv, libre cable at libre wifi pa.

Ngunit, napa-isip si Jarel at tinanong niya ang sarili kung matatanggap ba niya na kasambahay na lang ba siya habambuhay.

Kaya naman nagdesisyon siyang maging working student. Aral sa umaga, trabaho sa gabi sasabay pa ang kanyang assignment na siya niyang pagpupuyatan.

Kaya naman sulit ang lahat ng kanyang paghihirap nang siya ay nagtapos bilang Magna cumlaude ng kanilang klase.

Samantala, nagviral ang post na ito dahil na rin nagsilbi itong inspirasyon sa mga netizens.

Narito ang ilan sa kanilang komento:

"Sana,yung tamad mag-aral nd they have all the means b inspired by ur open letter. Congratulations Jarel."

"Congrats po very inspiring words"

"Super naka relate po ako sa speech nyo halos lahat ng gusto ko at kailangan ko ay dapat magsikap at magtiis upang sa huli lahat ng mga pangarap ko at maabot ko ...Proud po ako sa inyo"

"Congrats so inspiring ur story sana lahat ng anak katulad mo"

Is it easy to stick to the plan? Sam’s Fitness Challenge Week 2: Sharing Her Thoughts And Progress | BeKami on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Ibinahagi ni Julia Montes ang kanyang 'one and only king' sa buhay

Ibinahagi ni Julia Montes ang kanyang 'one and only king' sa buhay

Ibinahagi ni Julia Montes ang kanyang 'one and only king' sa buhay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel