May say si direk! Erik Matti nagreact sa mga pangbabash kay Liza Soberano bilang bagong Darna

May say si direk! Erik Matti nagreact sa mga pangbabash kay Liza Soberano bilang bagong Darna

-Direk Erik Matti nagreact sa pangbabash kay Liza Soberano bilang susunod na Darna

-Diretsahang sinabi ng direktor na tuloy na tuloy ang Darna

-Puspusan ang preparasyon, ayon sa direktor

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Malaki ang tiwala ng direktor na si Erik Matti na titigil lang ang pangbabash kay Liza Soberano bilang bagong Darna kapag nakita syang suot ang kanyang buong Darna costume. Ito ay sa gitna ng mga usaping hindi raw deserving ang aktres na magiging susunod na Darna.

Ayon kay Matti, nakita na niya ang Darna star na suot suot ang kanyang costume at nasaksihan nya kung gano ito kededikado sa kanyang trabaho. Ani pa nito, grabe ang pinagdaanan ng Bagani star para sa kanyang nalalapit na paglipad.

“We need to see her in full physical form. Grabe 'yung change from a year ago when we started. That’s because of the dedication of Liza as well. She had to forego a lot of things,” Matti added.

Diretsahan ding sinabi ni Matti na ang movie adaption ng Darna ay tuloy na tuloy at puspusan ang preparasyon para rito. Inaayos na diumano ang iba’t ibang aspeto ng produksyon gaya ng make-up, Darna costume, at ang normal na susuutin ng kanyang ordinaryong katauhan na si Narda. Dagdag pa ng director, excited na daw ang bagong Darna at naghahanda para sa mga emotional scenes.

Ayon sa ABS-CBN, nagtataka ang director kung bakit sa dinami dami na ng nangyari ay may mga usapin paring hind matutuloy ang pelikula o di kaya ay nagbitaw na ang naturang director.

Ibinihagi din ni Matti kung bakit hind kasali ang Darna sa Metro Manila Film Festival ngayong taon. Ayon sa kanya, hind ito basta bastang proyekto at kailangang maglaan ng malaking pera para makumpleto ito.

Wala pang opisyal na anunsyo ang Star Cinema kung kelan ipapalabas ang Darna.

Ang Darna ay isa sa mga pinakaabangang proyekto ng aktres na si Liza Soberano. Sa ngayon, gumaganapa si Liza Bilang Ganda sa teleseryeng Bagani.

How Much Money Do You Need to Be Happy? | on HumanMeter

Money: how much of it do we need to make us happy? We've asked some random people and here's what they have to say.

Source: Kami.com.ph

Related news
PNP, binabawi umano ang kanilang suporta mula sa FPJ's Ang Probinsyano

PNP, binabawi umano ang kanilang suporta mula sa FPJ's Ang Probinsyano

PNP, binabawi umano ang kanilang suporta mula sa FPJ's Ang Probinsyano
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel