Kambal din kaya? Joel Cruz, may inaabangan na namang bagong baby ngayong taon

Kambal din kaya? Joel Cruz, may inaabangan na namang bagong baby ngayong taon

- Matapos magkaroon ng 3 set ng kambal na anak ay may iniintay na naman si Joel Cruz na panibagong baby

- Ayon sa kanya, ngayong taon isisilang ang kanyang 7th child

- Sinagot din niya ang tanong kung ito na ba ang last baby niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Lalong dumadami ang masusuwerteng bata na anak ng pefume mogul na si Joel Cruz.

Nalaman ng KAMI na may iniintay na naman siyang bagong baby na nakatakdang isilang ngayong taon.

Kambal din kaya? Joel Cruz, may inaabangan na namang bagong baby ngayong taon

Kambal din kaya? Joel Cruz, may inaabangan na namang bagong baby ngayong taon (Photo: Joel Cruz Aficionado)

Ayon kay Joel, dapat daw ay kambal ulit ang anak niya pero hindi kumapit yung isa at isa lang ang nabuo.

"Itong susunod ay isa lang at lalaki yung kasunod kong anak. Supposed to be kambal din sana gusto ko kaso hindi kumapit yung isa at isa lang yung nabuo. Eight months na siya, one month left lalabas na rin siya."

Ayon naman sa ulat ng PEP, lalaki ang 7th child ni Joel at ayon daw sa ultrasound "matangos ang ilong niya," sabi ng perfume mogul.

Ito na ba ang last na baby niya?

"No. Hindi pa ito yung last. Meron pa akong planong kambal pa na susunod, pero baka this time, last na talaga yung kambal na yun. Hopefully, mabuo yung huling kambal. Kung sakali, kapag isa lang ang nabuo uli sa huling kambal ko, bale, walo ang anak ko.

"Pero kapag nabuo ang kambal, magiging nine ang total ng anak ko."

Lahat ng anak niya ay iisa lang ang ina. Si Lilia na isang six-foot na Russian.

"Si Lilia ang nagdala sa first twin.

"Ngayon, sa second, third, and fourth, kay Lilia pa rin yung egg cells pero may ibang surrogate mother sila na nagbuntis ng nine months."

Binigyang diin din ni Joel na siya ang ama ng lahat ng anak niya.

"Sa akin pa rin lahat ng sperm cells, kaya magkakapatid pa rin silang lahat.

"Kumbaga isang beses lang nagbuntis si Lilia o kay Lilia pa rin, pero iba lang yung nagdadala."

Base sa dati niyang interview sa GMA, ganito kalaki ang nagagasta ni Joel para magkaroon ng anak, "Every test na ginagawa, may extra pay pa rin 'yun. I ended up na nasa 12 million pesos 'yung isang set ng kambal," as per GMA's quote.

Si Joel Cruz, ay isang perfume mogul na nagmamay-ari ng sikat na lokal na brand ng perfume na Aficionado. Sa kasalukuyan ay meron na siyang 3 na set ng twins na na-conceive through in-vitro fertilization.

Today, fitness trainer Keziah and Sam are sharing their achievement of week two of the one-month transformation challenge! Sam is a school teacher in the Philippines who is determined to become strong and Keziah is helping her to make it happen. Sam’s colleagues already noticed the difference after only one week of the fitness challenge! Is it easy to stick to the plan? Sam is sharing her feelings and thoughts on the process.

Sam’s Fitness Challenge Week 2: Sharing Her Thoughts And Progress - on BeKami YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Pinagtaksilan! 5 Filipina celebrities who got cheated on by their husbands

Pinagtaksilan! 5 Filipina celebrities who got cheated on by their husbands

Pinagtaksilan! 5 Filipina celebrities who got cheated on by their husbands
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel