Mag-asawang Melai Cativeros at Jason Francisco, nakita ang totoong ugali nang pumunta sa Home for the Aged

Mag-asawang Melai Cativeros at Jason Francisco, nakita ang totoong ugali nang pumunta sa Home for the Aged

- Dumalaw ang pamilya nina Melai Cantiveros at Jason Francisco sa Aruga kapatid sa Mindoro

- Dinala nila ang mga matatanda sa isang Field Trip na lubhang ikinatuwa ng mga ito

- Kitang kita at damang dama ng mga matatanda ang ginintuang puso ng mag-asawang Melai at Jason

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa vlog ng Melason Family, binahagi nila ang pagbisita nila sa Home for the Aged sa Mindoro.

Nalaman ng KAMI na taunan pala itong ginagawa ng kanilang pamilya.

Ayon sa Pilipino Scoop, bumisita ang celebrity couple sa matatanda noong Hunyo 5.

Sa isang buong araw, pinasaya nina Melai Cantiveros, Jason Francisco at anak nilang si Melai ang mga matatanda.

Dinala nnila ang mga ito sa beach, pinakain ng masarap na tanghalian, nakipagtawanan at nakihalubilo talaga ang mag-asawa na talaga namang ikinatuwa ng mga matatanda.

Bukod sa pamamasyal at masarap na pagkain, namigay din ng regalo at hygiene kit ang mag-asawa.

Alam nilang kakailanganin ito ng mga matatanda at dinagdagan pa nila ito ng tag-iisang mga radio upang lalong masiyahan ang mga matatanda sa kanilang pagbalik sa kanilang tahanan.

Kitang kita sa mga mukha ng mga matatanda ang saya at galak na minsang sila ay napasaya ng 'Melason Family'.

Binahagi ni Melai na wala naman daw sila masyadong nagastos lalo na sa pagkain dahil sa 'senior' discount.

Di pa natapos ang kasiyahan sa pananghalian. Isang Mc Donald's party naman ang hinanada pa rin ng mag-asawa bago sila umuwi.

Narito ang kabuuan ng video:

Bakas sa mukha ng mga matatanda ang kasiyahan at damang dama nila ang kabutihan ng mag-asawa sa kanila. Nakipagtawanan, nakipagkwentuhan at talagang nakihalubilo ang Melason sa kanila.

Parte ng busilak na puso ni Melai ang pangangalap din mga sponsors para sa mga matatanda dahil lahat pala ng gumagawa para sa Foundation ay purong boluntaryo.

Tunay daw na instrumento ng Panginoon ang mag-asawa ayon sa nangangasiwa ng Bahay Aruga.

Sa pagtatapos ng video, nasabi ni Melai na Mission Accomplished sila sa kanilang ginawa.

Is it easy to stick to the plan? Sam’s Fitness Challenge Week 2: Sharing Her Thoughts And Progress | BeKami on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Haba ng hair! Sharon Cuneta, ibinida kung paano siya pahalagahan ng asawa

Haba ng hair! Sharon Cuneta, ibinida kung paano siya pahalagahan ng asawa

Haba ng hair! Sharon Cuneta, ibinida kung paano siya pahalagahan ng asawa
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel