Di nakapagtimpi! Vice Ganda inaming nasampal niya ang isang babaeng ayaw paawat sa pagvivideo

Di nakapagtimpi! Vice Ganda inaming nasampal niya ang isang babaeng ayaw paawat sa pagvivideo

- Inamin ni Vice Ganda na meron siyang babaeng nasampal

- Ito ay dahil ayaw paawat ng babae sa pagkuha ng video nila ng kanyang karelasyon

- Ito ay nangyari nang minsan daw mag-away si Vice at kanyang karelasyon sa isang club

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inamin ni Vice Ganda ang ilang mga isyung minsang naging usap-usapan nang tinanong siya ni Gus Abelgas sa Gandang Gabi Vice. Isang segment ng programa ang pinamagatang “Guilty or Not Guilty.”

Dito inamin ni Vice kay Gus na may naka-date siyang audience members. “Twice lang naman sir Gus. In seven years, dalawa lang po.”

Inamin din siya tungkol sa pagsamapal niya di umano sa isang babae. "Guilty ako dun, pero isang beses lang yun Sir Gus."

Ayon sa kuwento ng komedyante, nag-aaway sila ng boyfriend niya noon habang nasa isang club nanag mapansin niyang kinukuhanan sila ng video ng babae. Matapos niya di umanong makiusap na huwag silang kuhanan ay tuloy pa rin ang babae kaya nagalit na siya at nasampal niya ito.

Nang maitanong naman kung nagpaopera siya upang maachieve ang kanyang look ngayon, “Opera ba yun? Hindi naman kasi siya opera, procedure lang. Hindi po ako nagpa-opera, may mga procedure lang, tinurukan para may mabanat...”

Naitanong din sa kanya kung may nakafling siyang artista, “Ilan lang naman, mga walo.”

Tungkol naman sa mga hashtags na hanggang ngayon ay naiuugnay pa rin sa kanya., Hindi ko inawrahan, ako ang inawrahan e... pero hindi pa siya Hashtag nun."

Isa pa sa mga inamin niya ay ang pagtatago ng picture ng kanyang ex sa kanyang cellphone, “Yun na nga lang ang meron ako, larawan, alaala.” Inamin din niya na minahal niya ang tinutukoy niyang ex at nami-miss niya ito “minsan.”

How Much Money Do You Need to Be Happy? | on HumanMeter

Money: a whim or necessity? How much money do you need every month to be happy? Does the environment affect the amount you need? Find out more about the respondents' answers in this video.

Source: Kami.com.ph

Related news
6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University

6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University

6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel