Donnalyn Bartolome, muntik ng mamatay sa shooting ng bagong movie kung hindi siya niligtas ni Ella Cruz

Donnalyn Bartolome, muntik ng mamatay sa shooting ng bagong movie kung hindi siya niligtas ni Ella Cruz

- May bagong pelikula sila Donnalyn Bartolome at Ella Cruz na pinamagatang “Cry No Fear”

- Sa shooting ng movie, muntik na palang mamatay si Donnalyn

- Buti na lamang ay niligtas siya ni Ella

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Muntik na palang mamatay si Donnalyn Bartolome sa shooting ng bago niyang movie na pinamagatang “Cry No Fear.”

Nalaman ng KAMI na muntik malunod sa swimming pool ang actress-singer.

Buti na lamang ay andun si Ella Cruz para iligtas siya.

“Tumalon kami to the pool tapos, hindi ko po kaya, ilang take na rin po kasi ‘yun, pagod na pagod na po ako. ‘Yun pala, nalulunod pala ang mga tao hindi dahil sa hindi sila marunong lumangoy kung ‘di pagod na po sila.

“Pag umaakyat ako, tubig pa rin ‘yung naaano ko. Hindi na ako nakakahinga. So, humingi na po ako ng tulong.

“Sobrang thankful ako, nandu’n na siya. Nabuhat na niya ako…

“Yung parang mag-gi-give-up na ako, malulunod na ako, parang ganu’n,” sinabi ni Donnalyn.

Ayon kay Ella, tumulong siya kaagad dahil narinig niyang humihingi ng tulong ang co-star niya.

“Tapos nung sakto, siyempre, pagtalon ko, swimming ako. Pag-ahon ko, narinig ko siyang humihingi ng tulong. So, nag-rush na ako sa kanya. Inangat ko na siya,” kwinento ni Ella.

VIVA Films ang nagproduce ng pelikula nila Ella at Donnalyn.

Ang direktor nito ay si Richard V. Somes, na nag-direk noon ng isang segment ng “Shake, Rattle & Roll.”

Ipapalabas ang suspense-thriller movie sa June 20.

Fitness Challenge: Can you keep up? Today, fitness trainer Keziah and Sam are sharing their achievement of week two of the one-month transformation challenge! Sam is a university student in the Philippines who is determined to become strong and Keziah is helping her to make it happen. – on BeKami YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Baby bump? Marian Rivera and Dingdong's mom spotted holding her bulging tummy

Baby bump? Marian Rivera and Dingdong's mom spotted holding her bulging tummy

Baby bump? Marian Rivera and Dingdong's mom spotted holding her bulging tummy
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel