Lolit Solis, isiniwalat na malapit na niyang pagalitan si Pauleen Luna dahil sa ginagawa nito kay Baby Talitha

Lolit Solis, isiniwalat na malapit na niyang pagalitan si Pauleen Luna dahil sa ginagawa nito kay Baby Talitha

- Hindi na talaga nakapag-pigil si Lolit Solis at inamin na malapit na niyang masita si Pauleen Luna

- May napansin kasi si Manay na ginagawa ni Pauleen kay Baby Talitha

- Sumagot naman ang aktres sa mga sinabi ni Manay Lolit

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inamin ni Lolit Solis na malapit na niyang mapagalitan si Pauleen Luna dahil sa mga ginagawa nito sa anak niyang si Baby Talitha.

Nalaman ng KAMI na nag-react din si Pauleen sa sinabi ni Manay sa kanya.

Ayon sa GMA, napansin ni Manay na ginagawang parang manika si Baby Tali at para na raw itong laruan.

"Hay naku Salve, malapit ko nang pagalitan si Pauleen Luna hah! Grabe ginagawang manika si Talitha, gigil na gigil sa bata, pinaglalaruan, inaayusan at dinadamitan ng kung anu-ano at ginagawang laruan."

Pero nauunawaan naman daw ito ng veteran showbiz reporter at aminadong naaaliw din pag karga ni Vic Sotto ang kanilang anak dahil mukha pa raw itong mas mabigat sa kanya.

Meron din siyang pakiusap sa mga tao na kahit mga baby ay dinadamay sa kanilang pang-babash.

"Kaya nga we just need to understand na iyon lang naman gusto ng parent na nagpo-post ng photos ng anak nila, iyon enjoyment na makita ang anak nila sa social media, kaya sana huwag maging harsh o judgemental iyon iba, basta tingnan n’yo lang, if you cannot say something good, don’t say a word. Be kind, mga angel ang mga batang iyan, huwag natin idamay sa ugliness ng mundo."

Nag-reply naman si Pauleen sa post ni Manay at aminado na guilty siya pero masaya naman daw silang ipagmalaki ang kanilang baby.

Lolit Solis, isiniwalat na malapit na niyang pagalitan si Pauleen Luna dahil sa ginagawa nito kay Baby Talitha

Lolit Solis, isiniwalat na malapit na niyang pagalitan si Pauleen Luna dahil sa ginagawa nito kay Baby Talitha

Noong September 2015, kinumpirma ni Vic Sotto na engaged na siya sa kanyang Eat Bulaga! co-host na si Pauleen Luna. Ikinasal sila noong January 30, 2016 sa Ayala Alabang, Muntinlupa City.

Nanganak naman si Pauleen kay baby Talitha noong November 6, 2017, ilang araw bago ang kanyang birthday ng November 10.

Today, fitness trainer Keziah and Sam are sharing their achievement of week two of the one-month transformation challenge! Sam is a school teacher in the Philippines who is determined to become strong and Keziah is helping her to make it happen. Sam’s colleagues already noticed the difference after only one week of the fitness challenge! Is it easy to stick to the plan? Sam is sharing her feelings and thoughts on the process.

Sam’s Fitness Challenge Week 2: Sharing Her Thoughts And Progress - on BeKami YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Niyakap! Yen Santos, stunned as Jericho barks, jumps out of bushes for awesome birthday surprise

Niyakap! Yen Santos, stunned as Jericho barks, jumps out of bushes for awesome birthday surprise

Niyakap! Yen Santos, stunned as Jericho barks, jumps out of bushes for awesome birthday surprise
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel