Napahanga ang mga tagahanga sa kabaitan at kasimplehan ni Kyline Alcantara

Napahanga ang mga tagahanga sa kabaitan at kasimplehan ni Kyline Alcantara

- Nakilala ng husto si Kyline Alcantara sa kanyang kontrabida role bilang 'Cheska, Crisel, at Crisan' sa Kapuso primetime series 'Kambal Karibal.'

- Ang dating Kapamilya aktres ay umani ng maraming tagahanga dahil sa mahusay na pagganap sa nasabing teleserye.

- Sa katunayan ay mayroon na itong mahigit isang milyon na followers sa kanyang Instagram kaya naman isang video ng kanyang kakulitan ang nagtrending talaga dahil sa likod ng napakagaling na kontrabida role ay isang mabait, simple at makulit na Kyline ang iyong makikilala.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masasabi na isa si Kyline Alcantara ngayon ay may angking galing sa pag-arte, pagkanta, at sa pagiging epektibong kontrabida ng kanyang henerasyon.

Hindi maiwasan ng mga fans na bumilib sa kanya sa karakter niya sa nasabing teleserye ng 'GMA-7' dahil nga talagang magaling ang aktres at maiinis ka talaga sa kanya.

Nakita ng KAMI ang ilang mga komento ng paghanga sa aktres dahil sa kanyang galing sa pagiging kontrabida.

"galing naman ni kyline! go kyline!!"
"Grabeeh grabeeh.. hahaha galing"
"wow ang galing niyo po subra"
"OMG GALING TALAGA NI ATE LODI!!!(hearts)-Lots Of Love"
"galing tlga the best :)"

Pero sa likod ng nakakainis niyang karakter sa 'Kambal Karibal' sa Kapuso network ay isa pa lang mabuti, simple, at makulit ang aktres.

Nagtrending na ngayon ang mga Instagram video stories ng Kapuso aktres na nagtrending na din sa 'YouTube' kung saan namin unang naispatan ang kakulitan ng aktres.

Viral na nga dahil din sa di magkamayaw na fans dahil hindi sila makapaniwala na ganito lang kasimple at masiyahin ang aktres.

"ang cute ni kyline hahha pasaway pla sya"
"ang kulit ni ate Kai kai"
"Ate ky lodi po kita gusto pokitang maki ta sa personal"

Si Kyline Alcantara ay unang nakilala sa Kapamilya Network.

Siya ang gumanap sa papel ng batang Emilia sa 'Wildflower' at arte din ng cast ng 'Annaliza' bago lumipat sa 'GMA' at ang una nyang proyekto ay and drama role nya sa 'Kambal Karibal' na talagang nagpasikat ng husto sa kanya.

Ngayon isa din syang internet sensation sa mga videos compilations nya at kilala sa tawag na 'La Nueva Kontrabida'

Want to be fit and sexy like Kyline?

Watch the video below

Watch more BeKami videos on YouTube

Source: Kami.com.ph

Related news
PNP, binabawi umano ang kanilang suporta mula sa FPJ's Ang Probinsyano

PNP, binabawi umano ang kanilang suporta mula sa FPJ's Ang Probinsyano

PNP, binabawi umano ang kanilang suporta mula sa FPJ's Ang Probinsyano
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel