Hindi daw sila magka level! Kris Aquino, ayaw nang patulan si Mocha Uson

Hindi daw sila magka level! Kris Aquino, ayaw nang patulan si Mocha Uson

- Napag-isip-isip umano ni Kris Aquino na hindi na niya dapat patulan ang mga patutsada ni Mocha Uson

-Ito ay dahil hindi naman daw sila magka level

- Ayaw na daw niyang maambunan pa ito ng kasikatan niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ayaw nang makipagpatutsadahan ni Kris Aquino kay Asec. Mocha Uson dahil napagtanto raw niyang hindi sila magka-level.

Ipinahayag din niyang tila nakikisakay lang ito sa kasikatan niya.

“I don’t wanna give her anymore of my fame. Sorry, ha? Mayabang ako,” saad ni Kris.

Ang mahalaga daw sa kanya ay maayos ang relasyon niya sa pangulo.

“Friends na kami ni PRRD. Okey na. So with her, I don’t care.”

Ang mahalaga raw sa kanya ay mismong ang pangulo ang humingi ng dispensa para sa nangyaring word war sa pagitan ng nila ni Mocha.

Ito ay ayon sa kanyang statement sa panayam sa kanya ni Cristy Fermin sa Radyo Singko 92.3 noong Miyerkules, June 7.

“This is said with no disrespect whatsover because I’m just stating a fact.

“You taught me this. Sinabi mo, ‘Anak kung makikipaglaban ka, ang lalabanan mo dapat mas malaki sa ‘yo.

“Hindi ka lalaban sa mas maliit sa ‘yo… Kasi in the end ikaw ang masama, ikaw ang talo.

“Kung makikipaglaban ka lang, sa higante na.”

Ibinahagi din ni Kris ang naging usapan nila ni Christopher Lawrence “Bong” Go nito lang ding Miyerkules sa pamamagitan ng text messaging.

Para daw sa kanya nagpakita lang na hindi nirespeto ni Mocha ang Pangulo at Bong nang tumanggi itong humingi ng dispensa gayong sila na mismo ang nagbigay ng suhestiyon.

Ayon daw kay Bong, hindi nila hawak ang desisyon ni Mocha.

“Ma’am, hindi namin kontrolado si Mocha. Nag-sorry na kami ni PRRD. Mas important po yun Ma’am. Salamat po.”

Ito din marahil ang nagtulak kay Kris na magpasyang huwag na patulan si Mocha.

"She can say anything and everything. I'm not even gonna bring up the fact na I read, 'Sige na, magtuos na kayo at magkita na kayo para suot mo yung Gucci leather jacket mo, habang yung kanya fake.'

"Deadma na. Move on."

Naikuwento din ng mulktimedia star na kahit ang mga kapatid niya ay napagsabihan siya dahil sa ginawa niyang pagpatol.

“Sabi ng ate ko, ‘My gosh please stop!”

“I know in this life, when this is your last name, you have to be ready for all the blows.

Kaya naman daw siya umalma ay dahil uulit-ulitin nila pag hindi ka pumalag.

“But there are blows that are below-the-belt. Alam mong sinisikmuraan ka na. And kung hindi ka papalag, uulit-ulitin nila."

“If I made this about me, yes I made this about me because I’m the one alive.

“Ako ang puwede magsalita and ako ang balahura. Kasi proper ang mga kapatid ko.”

"Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senator Ninoy Aquino.

Kapatid naman siya ng former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Ang “Queen of All Media” ay may anak kay Philip Salvador na si Josh at anak kay James Yap na si Bimby.

POPULAR: Read more news about Kris Aquino here

How Much Money Do You Need to Be Happy? | on HumanMeter

Money: a whim or necessity? How much money do you need every month to be happy? Does the environment affect the amount you need? Find out more about the respondents' answers in this video.

Source: Kami.com.ph

Related news
Destiny made 8 years ago! Jason Abalos, Vickie Rushton, unang nagkita sa Bacolod Masskara Festival

Destiny made 8 years ago! Jason Abalos, Vickie Rushton, unang nagkita sa Bacolod Masskara Festival

Destiny made 8 years ago! Jason Abalos, Vickie Rushton, unang nagkita sa Bacolod Masskara Festival
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel