Movie! Sigawan ng mga fans ni Sharon Cuneta, Sarah G at Regine

Movie! Sigawan ng mga fans ni Sharon Cuneta, Sarah G at Regine

- Sa isang bihirang okasyon ay nagsamasama ang tatlong bigating mga artista ng showbiz at ang tatlong nalalakihan nga mga bituin ng 'Viva Artist Agency.'

- Dumating sa burol ng ina ng kanilang bosing sa 'Viva' ang mga trues babies ng nasabing talent agency na sina 'Megastar,' 'Popstar Royalty,' at 'Asia's Songbird.

- Nakiramay sila sa pagpanaw ng ina ni Boss Vic Del Rosario, the man behind one of the biggest and prominent talent agencies in Philippine showbusiness.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dahil dito hindi magkamayaw ang mga tagahanga ng makita ang tatlo sa isang snap na shinare ng megastar na si Sharon Cuneta sa kanyang official Instagram account at sigaw nila movie or concert ng tatlong superstars.

Nalaman ng KAMI na nagkitakita ang tatlo sa pinakamalaking bituin ng nasabing talent agency na sina Sharon, Sarah, at Regine para makiramay sa burol ng ina ng boss ng 'Viva,' ang lalaki sa likod ng pagkinang ng kanilang mga bituin.

Unang naispatan namin ang mga pictures ng tatlong malaking mga bituin ng 'Viva Artist Agency' sa website ng 'Push.'

Dalawa sa mga orihinal na mga 'Viva Babies' ay ang 'Megastar' Sharon Cuneta at ang 'Asia's Songbird' Regine Velasquez at dumagdag nga sa listahan ng mga bigatin at malaking bituin sa Viva ay ang 'Popstar Royalty' na si Sarah Geronimo.

Dahil sa pambihirang pagsama-sama ng tatlo ay bumuhos ang mga comments ng mga tagahanga at halos ang lahat ang sigaw ay movie.

Ito ang ilan sa komento ng mga tagahanga:

"You should all topbill a movie."
"Love to see the 3 of you together!paging boss Vic(emojis)please cast Viva’s queens in a movie"
"Hope Viva can make an anniversary movie for the 3 of you"
"What about a future movie together?"
"Movie na kayong tatlo please. Viva films can make it happen... go go go."

Ang 'Viva Entertainment' ang sinasabing isa sa nagpakinang ng bituin ng nag-iisang 'Megastar' na si Sharon Cuneta.

Sila ay isa sa nagpasikat sa music at ilang box office hits na mga pelikula ni Sharon.

At gaya ni 'Megastar,' ang nasabing talent agency din ang may likha ng mga awiting tinangkilik ng sambayanan magpa-hanggang ngayon ng nag-isang 'Asia's Songbird' at sila din ang dahilan ng mga sold out concerts at mga pelikula ni Regine.

Si Sarah Geronimo naman ang dumagdag sa listahan ng mga artista na talagang pinasikat ng 'Viva' sa pagkanta at pag-arte.

Ngayon, tinatawag na siya bilang 'Popstar Royalty' dahil walang kapares naman talaga ang galing nya sa pagkanta at pagsasayaw, total performer, ika nga.

Want to be inspired and be fit like Sarah G?

Click and watch the video below

Watch more BeKami videos on YouTube

Source: Kami.com.ph

Related news
Yen Santos, tinawag na superstar ng Hollywood blogger Perez Hilton

Yen Santos, tinawag na superstar ng Hollywood blogger Perez Hilton

Yen Santos, tinawag na superstar ng Hollywood blogger Perez Hilton
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel