Mag-ex na Jolo Revilla at Lovi Poe magkasama sa pelikula, Jodi Sta. Maria nag-react

Mag-ex na Jolo Revilla at Lovi Poe magkasama sa pelikula, Jodi Sta. Maria nag-react

- Magkasama ngayon si Jolo Revilla at Lovi Poe sa isang pelikula

- Si Jolo ang leading man at si Rhian Ramos ang leading lady sa nasabing pelikula pero magkakaroon ng eksena si Lovi

- Nagbigay ng reaksyon si Jodi Sta. Maria sa mga pangyayari

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Magkasama ngayon sa isang pelikula ang mag-ex na sina Jolo Revilla at Lovi Poe. Hindi naman leading lady si Lovi pero magkakaroon ng eksena ang dalawang mag-ex.

Nalaman ng KAMI na si Rhian Ramos ang leading lady ni Jolo sa pelikulang "72 Hours."

Ayon sa ulat ng PEP, ang nasabing pelikula ay magkakaroon ng tatlong episodes at isa sa mga episodes ang kina Jolo at Rhian.

Hindi maiwasang diskubrehin kung ano ang naging reaksyon ng kasalukuyang girlfriend ni Jolo na si Jodi Sta. Maria.

Sabi pa, hindi raw issue kay Jodi ang pagtatrabaho nila Jolo at Lovi sa iisang pelikula.

Nasa report din na nirekomenda daw noon ni Jodi para sa episode ang tambalan nina Jolo at Lovi.

Habang magi-guest si Lovi sa nasabing episode, hindi pa sigurado kung makakapag-guest si Jodi dahil sa busy niyang schedule.

Tricky Questions: Can you translate this into English? on Kami YouTube channel This video shows the ability of Filipinos to translate sentences hurled at them into the universal English language.

Source: Kami.com.ph

Related news
Dura-nakaw gang?! Netizen inilahad ang bagong modus ng mga kawatan ngayon

Dura-nakaw gang?! Netizen inilahad ang bagong modus ng mga kawatan ngayon

Dura-nakaw gang?! Netizen inilahad ang bagong modus ng mga kawatan ngayon
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel