SK Councilor, minaliit diumano ang isang guro na nag-imbita lamang sa kanya sa Brigada Eskwela

SK Councilor, minaliit diumano ang isang guro na nag-imbita lamang sa kanya sa Brigada Eskwela

- Nagviral ngayon ang isang hinaing ng guro kung saan minaliit diumano siya ng isang Sk Chairman sa kanilang lugar

- Inimbita lamang daw ng guro ang SK councilor para makilahok at tumulong sa Brigada Eskwela at sumagot na raw ng pabalang ang SK na nauwi sa pagtatalo

- Nagbigay na rin ng pahayag si Jaycee Santos at pinaninindigan pa rin daw niya ang sinabi niya sa "walang kwentang guro"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Usap-usapan ngayon ang himutok ng isang guro kung saan minaliit diumano siya ng isang kakaupo pa lamang na SK councilor sa kanilang barangay.

Nalaman ng KAMI na inimbita lamang daw ng guro ang bagong halal na SK councilor na makilahok sa Brigada Eskwela sa brgy Virgen delas Flores Baliuag, Bulacan.

Ayon sa binahaging post sa facebook ng Pinakamalupet sa BSU, bandang 9:00 ng umaga ng Mayo 28, nang pumunta ang Sk councilor na si Jaycee Santos sa VDFHS nang alukin ito ng guro namaging volunteer sa isinasagawang Brigada Eskwela sa kanilang paaralan.

Bigla na lamang daw sumagot ng pabalang ang Sk councilor na di manlang nag-po at opo at mayabang raw talaga ang dating.

Sinubukang magpakilala ng guro sa sa Sk councilor na si Jaycee sa pagtatanong ng "Hindi mo ba ako nakikilala, nak?"

At nagkaroon na raw ng pagtatalo ang dalawa at ng ibang guro na naroon na di na nai-detalye sa post.

Sinabi ng mga guro na nakasaksi sa pagtatalo na "Teacher yan na, teacher!"ngunit kalaunan, sumagot din ang noong mainit na rin ang ulo na SK councilor ng "TEACHER KALANG SK AKO".

Iyan ang pasigaw na sinabi ng nagmamalaki raw na SK councilor.

Samantala, naglabas ng iba't ibang pahayag si Jaycee sa nangyari.

Sa kanyang facebook account noong Hunyo 5, nagpost siya ng "Regrets" na animo ay pinagsisihan marahil niya ang nagawa niya sa guro.

Ngunit, may post din siya noong Hunyo 8 na tila wala siyang pinagsisisihan sa mga nabitawan niyang salita sa guro.

KAMI wants to remind us that we should always have "respect' for everyone, anyone.

Is it easy to stick to the plan? Sam’s Fitness Challenge Week 2: Sharing Her Thoughts And Progress | BeKami on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Mocha Uson, kaliwa’t kanang reklamo ang hinaharap dahil sa pag-insulto ng sign language

Mocha Uson, kaliwa’t kanang reklamo ang hinaharap dahil sa pag-insulto ng sign language

Mocha Uson, kaliwa’t kanang reklamo ang hinaharap dahil sa pag-insulto ng sign language
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel