Top 3 sa board, nakamit ang titulo na iniyakan dahil muntik na niya itong sukuan

Top 3 sa board, nakamit ang titulo na iniyakan dahil muntik na niya itong sukuan

- Binahagi ni Eddielyn Morfe kung paano muntik na siyang sumuko sa pag-aaral

- Imbis na sarilihin ang tagumpay na pagiging Certified Public Accountant, pinasalamatan niya ang mga taong sumuporta sa kanya at kung hindi daw dahil sa kanila, di niya makukuha ang titulong iyon

- Matinding dasal at pananampalataya rin ang armas ni Eddielyn sa pagkamit ng titulong minsan na niyang muntik sukuan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Minsan, di natin maiiwasan na panghinaan ng loob lalo na kung marami ang nagiging hadlang sa pag-abot ng ating mga pinapangarap.

Gaya na lamang ng kaka-graduate lang na si Eddielyn Morfe na minsang iniyakan ang kanyang pangarap at pinagpasa-diyos na lamang ang lahat.

Nalaman ng KAMI na nagviral din ang kanyang post patungkol sa kanyang pinagdaanan sa pagiging Certified Public Accountant.

Imbis kasi na sarilihin ang titulo, binahagi niya ito sa lahat ng sumoporta sa kanya sa kanyang pag-aaral.

Ayon kasi kay Eddielyn, Kung siya lang talaga, matagal na niya itong inayawan, sinukuan. Ngunit dahil sa tindi ng suporta ng kanyang mga kaibigan, kamag-anak sa kanyang pagrereview para maging isang CPA.

Isa pa sa pinaghugutan ni Eddilyn ng lakas ay ang malalim na pananampalataya niya sa Diyos. Dumating pa sa punto na iniyakan niya ang titulong hawak niya ngayon at isinuko na lamang niya lahat sa panginoon.

Kaya naman laking pasalamat niya sa lahat ng naniwala sa kanya na kaya niya at makakamit niya ang pagiging CPA. Samantala, umani rin ito ng mga positibong komento at naging inspirasyon daw nila sa Eddielyn.

"You are an inspiration to all specially me. God bless you ate."

"Grabe galing galing mo daing eds! Yung tipong sobrang affected ako na nakapasa ka and Top 3 pa... Tapos may tatawag sa akin para iconfirm na ikaw daw ba yung nakakasama nming kumain nun kasi bigla ka niyang naalala. Tapos basta ang galing galing.... God Bless you!! God is always in timing!!"

"You became an inspiration for me to not give up on my dream to become a Certified Public Accountant"

"Ikaw n ang my 1.5k likes bongga"

"Nakakaproud ka ading"

Is it easy to stick to the plan? Sam’s Fitness Challenge Week 2: Sharing Her Thoughts And Progress | BeKami on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Misis, nabundol ng sasakyan at naisipang mag-suicide nang bigla na lamang iwan ng mister na OFW

Misis, nabundol ng sasakyan at naisipang mag-suicide nang bigla na lamang iwan ng mister na OFW

Misis, nabundol ng sasakyan at naisipang mag-suicide nang bigla na lamang iwan ng mister na OFW
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel