Jolina Magdangal, kasalukuyang "under observation" dahil sa hindi inaasahang karanasan matapos ang kanyang CS operation

Jolina Magdangal, kasalukuyang "under observation" dahil sa hindi inaasahang karanasan matapos ang kanyang CS operation

- Matapos manganak ni Jolina Magdangal kay Vika Anaya noong May 28 ay kasalukuyan siyang "under observation"

- Ito ay matapos niyang makaranas ng hindi inaasahang sakit

- Marami ang naging concern kay Jolina at nagbahagi rin ang mga netizens ng sarili nilang karanasan sa CS operation

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Si Jolina Magdangal ay kasalukuyang inoobserbahan ng mga doktor matapos niyang manganak kay Vika Anaya via CS operation nitong May 28.

Nalaman ng KAMI na nakakaranas si Jolina ng matinding sakit sa lower back at puson niya kapag siya ay dumudumi.

Maayos naman ang naging panganganak ng aktres, pero nang umuwi sila ng June 1, 3 araw matapos ang operasyon niya ay doon na naranasan ni Jolina ang sakit na nagpapahirap sa kanya.

Ayon pa sa Smart Parenting, sa comment section ng Instagram ni Jolina, sinabi niya na "grabe" ang sakit na nararanasan niya.

"Mai-share ko lang, ang tindi ng hirap ng recovery talaga ng CS para sakin. Akala ko parang nagiging ok na ako nung mga nakaraang araw. Kahit puyat lagi, natutunan na ulit namin ni Mark ang teamwork sa pag aalaga ng isang new born.

"Pero as of today, mag 3 days na nakakaramadam ako ng matinding sakit sa lower back at puson pag nag poopoo. Talagang matinding sakit. Hindi ko naranasan ito kay Pele noon. Ngayon naka under observation ako. .

"Sa mga na CS, naranasan nyo rin ba ito? At sa mga normal naman, anong hirap ang naramasan nyo after manganak?" ang nakalagay sa post ni Jolina.

Ito naman ang pinaka-huli niyang update patungkol sa nararanasan niyang sakit, "Hindi pa talaga ako nakakarecover at may mga sharp pains parin pero tuwing nakikita ko silang dalawa lalo na pag tabi tabi kaming apat, lumalakas ang loob ko na makakaya ko agad kahit ano man ang sakit. #PeleSerye #TeleVika @peleinigoescueta @vikaanayaescueta @markescueta"

Kinasal sina Mark Escueta at Jolina Magdangal sa Splendido Taal Golf and Country Club sa Tagaytay City, Cavite, noong November 21, 2011. Ipinanganak ni Jolina ang kanilang panganay na si Pele Iñigo, noong February 18, 2014.

Every movie title can be funny! We can prove it! In this episode of HumanMeter, we will go in the streets of the Philippines and… won’t ask people tricky questions! Today we will ask them to replace one word in any movie title with the word "fart". Are you ready to hear more unusual movie titles?

Fart Challenge: What If You Replace One Word In The Movie Title? - on Human Meter YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
PNP, binabawi umano ang kanilang suporta mula sa FPJ's Ang Probinsyano

PNP, binabawi umano ang kanilang suporta mula sa FPJ's Ang Probinsyano

PNP, binabawi umano ang kanilang suporta mula sa FPJ's Ang Probinsyano
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel