Netizen, naantig sa mag-asawang rambutan vendor na kasama ang mga anak na tulog sa kanilang kariton

Netizen, naantig sa mag-asawang rambutan vendor na kasama ang mga anak na tulog sa kanilang kariton

- Nag-viral ang post ng isang netizen na nagawi sa Divisoria kung saan nakunan niya ang larawan ang mga batang natutulog sa kariton

- Nagtitinda raw ng rambutan ang mga magulang nito kaya naman minabuto na lamang patulugin ang mga bata sa loob ng kariton, habang ang paninda nila ay nasa ibabaw ng karton na nasa kariton din

- Maraming netizens ang naantig din sa sitwasyon ng pamilyang ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kagustuhang maghanapbuhay ngunit di mawalay ang mga anak sa kanila, minabuti marahil ng tindero ng rambutan na isama ang kanilang mga anak sa pagtitinda.

Nalaman ng KAMI na maliliit pa ang mga bata na marahil nasa edad na 3 at 4 kaya naman di pa talaga maaring malingat sa paningin ng mga responsableng mga magulang.

Sa viral post na ito na kumalat na nakuha ng sa Pinoy Juander facebook, makikita ang larawan ng 2 bata na natutulog sa kariton habang ang paninda ng kanilang mga magulang ay nasa ibabaw din nito na karton naman ang nagsisilbing patungan.

Di alintana ng mga bata ang ingay sa paligid, sapagkat ayon sa nagpost, sa Divisoria raw kuha ang larawan na iyon.

Dahil sa naantig ang kumuha ng larawan sa kalagayan ng mga bata, bumili siya ng tatlong kilong rambutan at inihaw na mais na paninda rin ng magulang ng mga bata.

Sabi pa ng nagpost na na si Shair Joy Mndelez, sana raw ay tangkilin natin ang mga paninda ng kababayan nating nagsusumikap maghanapbuhay. Sila raw yung mga taong isang kahig isang tuka, kay kung wala silang kitain sa isang araw, malamang ay di sila makakain ng maayos.

Samantala, maraming netizens ang naantig din sa sitwasyon ng mag-anak. Ang ilan naman ay sumang-ayon sa opinsyon ng nagpost na dapat suportahan natin ang mga maliiit na negosyo gaya ng tindero ng rambutan at mais dahil napakalaking tulong na sa kanila ang tayo ay bumili ng kanilang paninda.

Is it easy to stick to the plan? Sam’s Fitness Challenge Week 2: Sharing Her Thoughts And Progress | BeKami on KAMi youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Ganda ng lola n'yo! Isang 50 taong gulang na babae, nagviral dahil sa angking ganda

Ganda ng lola n'yo! Isang 50 taong gulang na babae, nagviral dahil sa angking ganda

Ganda ng lola n'yo! Isang 50 taong gulang na babae, nagviral dahil sa angking ganda
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel