6 local celebrities na di mo aakalaing mataba pala noon

6 local celebrities na di mo aakalaing mataba pala noon

- Sila ang mga local celebrities na dumaan din sa pagigin mataba na ngayon ay fit na

- Ang ilan sa kanila ay mga cute at chubby noong sila ay bata pa

- Ang iba naman ay nagtodo effort talaga para lamang pumayat

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa sobrang fit ng mga local celebrities na ito, di mo talaga aakalain na minsan namroblema din sila dahil sa pagiging mataba.

Nalaman ng KAMI na karamihan sa kanila, cute at chubby talaga noong bata pa kaya naman noong nagka-edad na, di na sila pumayag na manatiling mataba para na rin sa kanilang kalusugan.

Ang iba pa sa kanila ay talagang naging puspusan ang diet pa ra di na muling maging mataba.

Narito ang ilan sa mga local celebrities natin na magsilbi sanang 'fitspiration' sa atin.

1. Erwan Heussaff

"the fat kid inside" talaga si Erwan na namrobleba sa pagiging overweight noon. Pumapalo ang timbang niya noon sa 250 pounds.

6 local celebrities na di mo aakalaing mataba pala noon

image: pep

2. Solenn Heusaff

Ang kapatid ni Erwan na si Solenn na ngayon ay super fit na ay dati ring 'chubby'. Tinutukso pa siya noon ng "Free Willy" na isang balyena dahil sa kanyang laki.

3. Iza Calzado

Minsan nang naging 220 pounds ang timbang ni Iza Calzado kaya naman naging tampulan rin siya ng tukso noon. Teenager na siya nang nagdesisyong magdieta na namaintain niya ngayon.

4. Raymond Gutierrez

Dati, madali mong masasabi kung sino si Richard at kung sino si Raymond Gutierrez dahil mataba si Raymond kaysa kay Richard. Ngayon, talagang naghahabulan sa pagiging fit ng katawan nila

5. Rhian Ramos

Aminado si Rhian na dumaan siya sa pagiging mataba dahil kahit busog na siya, kain pa rin siya ng kain.

Pagpatak ng edad niyang 13, saka siya nagdesisyon na siyang mag-diet.

6 local celebrities na di mo aakalaing mataba pala noon

image: pep

6. Georgina Wilson

Sinong mag-aakala na maging ang 'It Girl' na si Georgina Wilson ay minsan ding tumaba? "You have to work hard. There is no shortcut, eat healthy food, and work out a lot" payo ni Georgina.

Is it easy to stick to the plan? Sam’s Fitness Challenge Week 2: Sharing Her Thoughts And Progress | BeKami on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Official photos from Tali Sotto’s kiddie pool party finally released

Official photos from Tali Sotto’s kiddie pool party finally released

Official photos from Tali Sotto’s kiddie pool party finally released
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel