OFW, isiniwalat ang kalunos lunos daw na kalagayan ng mga tao sa Davao Regional Hospital

OFW, isiniwalat ang kalunos lunos daw na kalagayan ng mga tao sa Davao Regional Hospital

- Binahagi ng isang facebook user na OFW na si Jho Pontemayor ang kalunos lunos na kalagayan ng mga tao sa Davao Regional Hospital

- Wala man sa Pinas, labis na nag-alala si Jho kaya naman nagpost siya ng ilang larawan ng ospital para ihingi ng tulong sa kinauukulan

- Umani ng iba't ibang reaksyon ang post na ito ni Jho lalong lalo na sa mga taga Davao

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Wala man sa Pinas, lalong nag-alala ang OFW na may pangalang Ate Jho Pontemayor sa facebook nang i-post niya ang sitwasyon ng mga tagabantay ng mga pasyente sa Davao Regional Hospital.

Nalaman ng KAMI na nakahandusay at kanya -kanyang latag na lamang ang mga bantay ng pasyente sa labas ng ospital para sila naman din ay makapagpahinga.

Ang iba pa, karton lamang ang sapin sa may tabi na ng atm machine sa labas ng ospital.

Ang iba naman, nakaisip na magdala ng tent na animo ay may camping sa may entrance ng hospital.

Dahil sa kalunos lunos na sitwasyon, labis na kinabahala ng OFW na si Jho ang ganitong scenario kaya naman sa kanyang post, idinulog niya ito kay House Speaker Pantaleon Alvarez na sana naman daw ay magkaroon kahit folding bed ang mga bantay ng mga psyente ng nasabing ospital.

Ayon kay Jho ang mga larawan ay kuha bangdang 11:30 ng gabi, oras sa Pinas.

Nasabi rin niya na dahil malayo sila sa kanilang mga mahal sa buhay, mas lalo silang nag-aalala kung ganito ang sitwasyon na kanilang makikita sa kanilang lugar dito sa Pilipinas.

Humingi na rin siya ng donasyon mula sa mga kapwa niya OFW.

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

Is it easy to stick to the plan? Sam’s Fitness Challenge Week 2: Sharing Her Thoughts And Progress | BeKami on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Janella Salvador at inang si Jenine Desiderio, nagkaayos na

Janella Salvador at inang si Jenine Desiderio, nagkaayos na

Janella Salvador at inang si Jenine Desiderio, nagkaayos na
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel