Agaw eksenang marriage proposal ng basketball player na kunwari 'na-injury', nagviral

Agaw eksenang marriage proposal ng basketball player na kunwari 'na-injury', nagviral

- Isang basketball player sa kanilang barangay ang nakaisip ng kakaibang pakulo para sa marriage proposal niya sa kanyang girlfriend

- Nanonood ang girlfriend ng kanilang laro ng bigla na-injury daw ang boyfriend, nilapitan ito ng girlfriend at dun niya sinurpresa ang girlfriend ng mahiwagang tanong

- Nagviral ang proposal dahil talaga namang maraming kinilig sa naisip na ito ni Lhear Roque

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena talaga ang marriage proposal ng facebook user na si Lhear Roque kung saan nagkunwari siyang 'injured' sa kanilang basketball game para makuha ang atensyon ng kanyang girlfriend.

Nalaman ng KAMI na nang lapitan ng kanyang girlfriend ang basketbolista, nag-alala ito sapagkat akala niya ay totoong nasaktang ang boyfriend.

Yun pala, tsumetsempo lang ang lalaki kung nakahanda na ang ibang gimik niya sa pagpopropose sa kanyang girlfriend.

Kasabwat niya kasi ang buong baskeball team na hahawak ng mga lobo na magtatanong ng "Will you marry me?".

Ayon sa Pilipino Scoop, maraming netizens talaga ang kinilig sa ginawang ito ni Lhear, lalo na nang lumuhod na siya para ilagay ang singsing ng kanyang nobya. Sumagot naman ito ng oo, kaya naman tagumpay ang pakulo ni Lhear.

Ayon naman sa post ng facebook user na si Jeffrey Mejia Malibiran, umpisa ng laro ng 3rd quarter nang biglang tumawag ng injury time out ang referee. Iyon na pala ang hudyat ng agaw eksenang marriage proposal.

Narito ang video:

Nagviral ang video na ito na umabot na sa halos 99,000 views na.

Samantala, maraming netizens talaga ang kinilig sa eksenang ito. narito ang ilan sa kanilang mga komento.

"chea alam ko dream mo yan at tnx to lhe kasi tinupad nya ung dream mo at stick to one talaga..."

"Grabe nakakatuwa naalala ko lang dati napaguusapan natin sa office, god bless sainyo "

"naks haba ng hair haaha, Congrats po"

"Kinikilig me sa inyong dalawa.. "

"nice naman....haha .late ko na nabasa ..totoo na ba yan ? hahaha congrats"

Is it easy to stick to the plan? Sam’s Fitness Challenge Week 2: Sharing Her Thoughts And Progress | BeKami on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
PNP, binabawi umano ang kanilang suporta mula sa FPJ's Ang Probinsyano

PNP, binabawi umano ang kanilang suporta mula sa FPJ's Ang Probinsyano

PNP, binabawi umano ang kanilang suporta mula sa FPJ's Ang Probinsyano
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel