Anak ng OFW, nagtinda ng karyoka at iba pang merienda hanggang sa nagtapos bilang 'cumlaude'

Anak ng OFW, nagtinda ng karyoka at iba pang merienda hanggang sa nagtapos bilang 'cumlaude'

- Bilang tulong sa kanyang mga magulang na factory worker at OFW, nagtinda ng mga merienda si Jogie Papillera

- Naging iskolar siya ng San Sebastian College sa Canlubang, at nagtapos siya ng BS Accountacy bilang 'cumlaude'

- Nag-viral ang kanyang kwento dahil marami ang bumilib sa diskarte niya sa buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tunay na nakakabilib ang 'street smart' na maituturing na si Jogie Papillera na hindi nahiyang maglako ng mga merienda pandagdag sa gastusin niya sa pag-aaral sa kolehiyo.

Nalaman ng KAMI na OFW at factory worker pala ang mga magulang ni Jogie, kaya naman nagmalasakit pa rin siya na tulungan ang kanyang mga magulang sa pag-aaral sa kanilang magkakapatid.

Ayon pa sa Pilipino Scoop, iskolar din pala si Jogie sa San Sebastian College Canlubang kung saan siy nagtapos.

Talagang sinikap niyang makapasa sa scholarship, para makabawas sa tuition fee ng maganda at maayos na paaralan niyang pinasok.

Kwento ni Jogie sa kanyang speech noong pagtatapos, tindera ng merienda ang kanyang ina bago ito umalis sa bansa upang maging OFW.

Dito siya nagkaroon ng ideya na gawin itong 'sideline' mula pa noong siya ay nasa elementarya, hayskul at maging noong siya ay nasa kolehiyo na.

Bitbit niya ang mabigat na basket na puno ng kanyang paninda na Banana cue, Kamote cue, turon, carioca, lumpia, nilagang mais, mani, bilu-bilo.

Sa dami pa nga raw ng dala niya, nanginginig na ang kanyang braso sa bigat at sa tindi init ng araw.

Ngunit, pag-uwi niya, may dala na siyang bigas at ulam na kakainin ng kanyang pamilya. Naranasan daw kasi niya noon na magutom, na ang tangi niyang nagawa ay magdasal habang umiiyak kaya naman pinayuhan niya ang kanyang kapwa na wag mag-aksaya ng pagkain.

Di maiwasang marami ang mangantyaw sa kanyang ginagawa. Noong siya ay nasa kolehiyo na, pag mahaba ang kanyang bakanteng oras, umuuwi siiya para magluto ng mga merienda. pagbalik niya sa paaralan, ititinda na niya ito habang wala pa rin siyang klase.

Kaya naman pinasalamatan niya ang lahat ng kanyang naging suki, dahil sa malaki raw talaga ang naitulong ng mga suki niya sa kanyang pamilya.

Kinuwento rin ni Jogie kumbakit kailangang mangibang bansa pa ng kanyang ina. Kaya pinayuhan niya ang kapwa niya mga mag-aaral na tulad niyang anak ng OFW na huwag maging pasaway dahil sadyang napakahirap ng mawalay sa pamilya habang nagkakanda kuba sa pagtatrabaho.

Pinasalamatan din ni Jogie ang ama niyang factory worker ng Uratex, na kung hindi daw dahil sa pagtitiis at pagtitiyaga roon, di siya magiging iskolar ng Uratex Foundation.

Tunay na nararapat lamang na maging 'cumlaude' si Jogie ng kanilang klase. Di lamang dahil sa kanyang angking kasipagan, ngunit may talino at diskarte rin siya sa buhay at higit sa lahat, nagawa niya lahat ion sa tindi ng pagmamahal niya sa kanyang pamilya.

Is it easy to stick to the plan? Sam’s Fitness Challenge Week 2: Sharing Her Thoughts And Progress | BeKami on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Never sold?! Neverland ni Michael Jackson hindi mabenta benta umano

Never sold?! Neverland ni Michael Jackson hindi mabenta benta umano

Never sold?! Neverland ni Michael Jackson hindi mabenta benta umano
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel