Iskolar pa siya! Anak ng janitress, nagtapos ng accountancy bilang 'cumlaude'

Iskolar pa siya! Anak ng janitress, nagtapos ng accountancy bilang 'cumlaude'

- Nagtapos si Aira Jerrelie Acdan ng BS Accountancy bilang 'cumlaude'

- Isa pa si Aira sa mga iskolar ng Philippine National Police Alumni Association Inc. kaya naman saludo ang mga kapulisan sa kanila sa kasipagan niya

- Walang pagsidlan ng kaligayahan ang ina Aira na bagaman at isang janitress, napagtapos ang anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ginawang inspirasyon ni Aira Jerrelie Acdan ang hirap at sakripisyo ng kanyang ina para lamang mapagtapos siya bilang 'cumlaude' sa kursong BS Accountancy

Nalaman ng KAMI na bukod sa pagiging 'cumlaude' iskolar pa si Aira ng Philippine National Police Alumni Association Inc. kaya labis din ang pagmamalaki sa kanya ng mga kapulisan.

"We know na very hardworking si Aira. Ever since nakuha niya yung scholarship program, she was very consistent in her studies..."ayon kay Police Insp. Fredwin Sernio.

Nakapanayam ng ABS-CBN news si Airra at laking pasalamat daw niya sa kanyang ina na nagtatrabaho at kumakayod para lamang siya ay mapagtapos.

Iskolar pa siya! Anak ng janitress, nagtapos ng accountancy bilang 'cumlaude'

image: abs-cbn news

"Una, nagpapasalamat ako kay God kasi siya ang reason kung bakit ako andito ngayon. Siya ang nag-guide at nag-provide sa akin for everything that I need tapos next is my parents lalo na kay Mama. Siya talaga yung nagtatrabaho para sa amin, Thank God, nakayanan din!" ani Airra.

Samantala, wala namang pagsidlan ng kaligayahan ang kanyang inang si Lorna na di kinahihiya na siya ay janitress dahil siya ang nakapagpatapos sa anak.

"Nagpapasalamat ako sa Diyos kasi kahit mula noong 2003, janitor na ang trabaho ko. Yun ang trabaho ko para matulungan ko ang mga anak ko," ani Lorna.

Isa si Airra sa mga nagtapos ngayong taon sa Mariano Marcos State University.

Balak niyang magreview para sa Board Exams para makapagtrabaho na rin at matulungan ang ina.

Is it easy to stick to the plan? Sam’s Fitness Challenge Week 2: Sharing Her Thoughts And Progress | BeKami on KAMI YOutube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak

Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak

Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel