Netizens, naantig sa viral na larawan ng isang ina na di natinag ng malakas na ulan ang pagtitinda

Netizens, naantig sa viral na larawan ng isang ina na di natinag ng malakas na ulan ang pagtitinda

- Nag-viral ang larawan ng isang tinderang ina na sa kabila ng malakas na ulan, di pa rin siya umalis sa pwesto niya kung saan siya nagtitinda

- Ayon sa nagpost, magsilbi raw itong aral sa mga taong madalas magreklamo sa kanilang trabaho, dahil ang tindera ng sa larawan, di na naisip ang panganib o aksedente dala ng ulan gaya ng pagbaha sa pagbabakasakaling may bumili pa sa kanya

- Naantig ang puso ng karamihan sa ating netizens sumang-ayon sa sinabi ng nagpost

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang post ng isang Kenzo Sytangco II kung saan makikita sa binahagi niyang larawan ang isang tindera na di parin umalis sa pwesto niya sa kabila ng malakas na ulan.

Nalaman ng KAMI na maraming netizens ang naantig sa larawan na ito na nagpapakita ng matinding sakripisyo ng isang ina na sa kabila ng panganib, nagbaka-sakali pa rin siyang magtinda.

Ayon sa Pilipino Scoop, makikitang sarado na ang mga nakapaligid na establisimiyento sa paligid ng larawan, ngunti tanging ang maliit na pwesto na may malaking payong lamang ng nasabing tindera ang bukas.

Ayon naman sa post ni Kenzo, magpasalamat daw tayo sa ating mga trabaho at hindi iyong puro reklamo.

"when i saw this biglaa ako nagisip marami saatin lagi nagrereklamo about sa trabaho natin kesyo ang dami trabaho, night shift, extended working hours etc pero si nanay na ngtitinda sa kanto d nya inisip un kahit umuulan, delikado sa accidente at lahat ay sarado na andun padin cya para mg tinda nag baka sakali may bumili ng kanyang tinda at may mauwi pera at pagkain sa pamilya nya!"

kaya sana po kasama nadin ako magisip tayo kung gaano tayo ka swerte kc monthly may nakuha tayo sweldo!

Samantala, umani naman ito ng iba't- ibang reaksyon mula sa mga netizens.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"D q kinahihiya na naranasan q dati yan kasama ng mama at papa q nag titinda kmi ng balot inaabot ng hating gabi, ulan,"

"makarelate aq ganyan dati c mama ko"

"kaya nga yung maliit ang sahod pagtyagaan dahil ang hirap walang trabaho walang kita"

"Tama yan vendors d alm mkbenta pa ba o hnd na...im touched to her situation.."

"Kaya nga saludo ako sa kanya Nanay na masipag"

"Alam ninyo mas mabuti pang magtinda ng ganyan kay sa magtrabaho ka ng monthly na sahuran at marami kapang boss sa companya marami kang atupagin at pakikisamahan atleast diyan sa pagtitinda araw araw ang kita mo sayo na at ikaw pa may hawak ng oras mo at higit sa lahat ikaw pa ang boss wala kang iniisip na mga boss na maninita sayo sa totoo lang daig pa tayo ng mga nagtitinda basta masipag ka lang magtinda minsan makakatubo ka ng 1000 pataas sa isang araw nasa 25k to 30k isang buwan kita mo wala kang boss walang pressure diba alin maganda magtinda ka ng sarili mong paninda or magtrabaho ka sa isang companya na at the end of the day kakarampot na sahod bigay nila at companya ang yumayaman ng sobra sa mga effort mong minsan buwis buhay din para lang kumita sila."

Is it easy to stick to the plan?Sam’s Fitness Challenge Week 2: Sharing Her Thoughts And Progress | BeKami on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Babaeng lutang, biglang nanapak ng dalagita at nanampal ng 1 buntis

Babaeng lutang, biglang nanapak ng dalagita at nanampal ng 1 buntis

Babaeng lutang, biglang nanapak ng dalagita at nanampal ng 1 buntis
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel