6 Sikat na artistang pumalpak sa pag-audition sa reality shows

6 Sikat na artistang pumalpak sa pag-audition sa reality shows

Karamihan sa mga sikat na artista ngayon ay dumanas ng maraming kabiguan bago sila sumikat at magtagumpay.

Nalaman ng KAMI na may mga stars din na sinubukan pang sumikat noong umpisa sa pamamagitan ng reality shows pero pumalya sila.

Inihayag ng PEP.ph ang ilan sa kanila.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

1. Maine Mendoza

Ni-reveal ni Lauren Dyogi na nag-audition pala noong 2015 si Maine Mendoza upang maging parte ng Pinoy Big Brother: 737.

Blessing in disguise na lamang ang hindi pagkakatanggap sa kaniya sa PBB dahil naging superstar siya bilang co-host ng Eat Bulaga at love team partner ni Alden Richards.

2. Nadine Lustre

Bago siya sumikat bilang love team partner ni James Reid, sinubukan ni Nadine na gumawa ng pangalan sa pamamagitan ng pagsali sa Pinoy Big Brother: Teen Clash noong 2010.

Sumikat siya dahil sa lead role niya sa Diary ng Panget kasama si James.

3. Alden Richards

Kasabay niya si Maine Mendoza maging superstar sa showbiz. Bago mangyari yon, sinubukan niyang sumikat sa StarStruck fifth edition pero hanggang top 60 lamang siya umabot.

4. Jerome Ponce

Dalawang beses pala sinubukang sumali ni Jerome sa Pinoy Big Brother, noong 2010 at 2012, pero pumalya siya sa parehong pagkakataon.

Nagsimula na ang kaniyang pagsikat ng maging bahagi siya ng Be Careful With My Heart.

5. Kris Bernal

Nanalo si Kris sa StarStruck IV: The Next Level pero ang hindi alam ng maraming tao ay sinubukan din niyang sumali sa Pinoy Big Brother noon.

6. Moira dela Torre

Isa na si Moira sa mga pinaka in-demand singers ngayon. Pero nang sumali siya sa The Voice noong 2013, hanggang Battle Rounds lang ang kaniyang inabot at isa lang ang coach na lumingon sa kaniya noong Blind Auditions, si Coach Apl de Ap.

Nagpapa-alala ang KAMI na hindi dapat sumuko kahit pa makaranas ng kabiguan! Maging inspirasyon sa atin ang mga celebrities na ito.

Fitness Challenge: Can you keep up? Today, fitness trainer Keziah and Sam are sharing their achievement of week two of the one-month transformation challenge! Sam is a university student in the Philippines who is determined to become strong and Keziah is helping her to make it happen. – on BeKami YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
"Kung kabet ka nga, sana hindi ka na magrecruit," Jade at Marissa, natameme!

"Kung kabet ka nga, sana hindi ka na magrecruit," Jade at Marissa, natameme!

"Kung kabet ka nga, sana hindi ka na magrecruit," Jade at Marissa, natameme!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel