“Sa totoo lang, ayoko”: Empress Schuck ibang klaseng buhay ang gusto para sa anak

“Sa totoo lang, ayoko”: Empress Schuck ibang klaseng buhay ang gusto para sa anak

- Sinagot ng aktres na si Empress Schuck ang tungkol sa pagpasok ng anak sa showbiz

- Masayang inilarawan ng aktres ang pagiging isang ina

- Malayo sa buhay na kanyang kinagisnan ang gusto ng aktres para sa anak na babae

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masaya na ngayon ang Pinay aktres na si Empress Schuck sa pagiging isang ina. Ipinanganak niya ang kanyang panganay na si Athalia noong Septyembre 2015 sa nobyong si Vino Guingona.

At bilang artista, hind malayong sumunod ang kanyang anak sa kanyang yapak. Ngunit nang inanong ang aktres kung gusto ba niyang papasukin sa showbiz ang kanyang unica hija, ayaw lang ang naisagot niya.

Nilinaw ng aktres kung bakit hindi niya gustong pumasok ang kanyang anak sa industriya. Ayon kay Empress, mas gugustuhin niyang magkaroon ng normal na buhay ang kanyang anak. Gusto din niya na maranasan ng anak niya kung ano man ang nararanasan ng mga normal na bata ngayon. Ngunit bukas pa rin sa posibilidad ang aktres na baka ipilit din ng bata na pumasok sa showbiz.

Dagdag pa ni Empress, kung papasok man ang anak niya sa pag-aartista, nais niyang makapagtapos muna ito ng pag-aaral na hindi niya nagawa dati. Gusto ng aktres na ibigay lahat ng pangangailangan ng anak na hindi niya naranasan dati.

Masaya si Empress na naalagaan pa din niya ang kanyang anak kahit na sunud-sunod ang kanyang trabaho. Ani niya, kontento siya sa buhay niya ngayon lalo na ng dumating ang anak nila ng kanyang nobyo.

Si Empress Schuck ay nakilala bilang isang child actress. Huli siyang napanuod sa pang hapong drama ng ABS-CBN na Asintado. Sa ngayon, siya ay isang freelance artist.

Hindi madali magpapayat pero pwede itong mangyari kung pagsisikapan mo. Panuorin ang nakakabilib na pagbabago sa katawan ni Sam at samahan siya na maabot ang kanyang pangarap na katawan. Kung ang hanap mo ay mga bagong balita, viral bidyos at kwento, ditto kana sa BeKami Youtube Channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Official photos from Tali Sotto’s kiddie pool party finally released

Official photos from Tali Sotto’s kiddie pool party finally released

Official photos from Tali Sotto’s kiddie pool party finally released
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel